Its Monday today!
At eto ang araw ng first section para mag perform para sa festival of talent. Medyo excited na ko na kinakabahan.Baka kasi maganda yung sa kanila at matalo pa kame.
Recess na at mamayang hapon pa ang festival of talent. Pero madami ng excited. Lahat ng estudyante ay nagbubulong bulongan.
Yung first year collage na mag peperform mamaya ay walang klase the whole day kasi mamaya na sila mag peperform.
Ganyan din ang mangyayari sa amin pag kame o ibang section ang sasalang na sa stage. Isang araw ding walang klase for preparation.
Habang papunta ako sa canteen, ay ako lang mag-isa. Wala kasi si Beba. May inaasikaso. President ba naman. Hayss ..
"Alam niyo, excited na ko mamaya!"
"Ako rin kaya!"
"Ehhhhhhhhh!!! Kami kaya mamaya ang mag pe-perform! Kinakabahan ako!"
"Gaga! Kabahan ko diyan! Gusto mo sakalin kita? Tiwala lang!
" kahit na, pero at the same time excited din naman"
"Ano kaya ang ipapakita ng team first year collage?"
Ayan na. Nagbubulong bulungan na sila.
Umorder na ko ng recess ko.
Habang kumakain merong may mag share sa akin ng seat."Hi miss"
Nakakahawa ang smile niya. Gwapo siya actually. Meron siyang yellow na buhok.
"Si San goku ka ba?"
"Hahaha!!! Hindi ah! Style kaya yan!"
"Ahhhh...haha"
Naiilangan Kong sagot. Napaka jolly niya kung tingnan.
"Wowwwwwwwwwwwwww"
Mahaba niyang sambit ng makita ang kinakain ko. Eh sa sandwich lang to..hahaha!
Childish!"Pahingi!"
Akma niyang kukunin ang pagkain ko pero inilayo ko agad. Ano siya hilo?.. Eh kung bumili kaya siya.
"Damot!"
Tapos ng pout pa siya. Ang cute! Whahaha!!
"Bumili ka!"
Sabi ko naman sa kanya. Lalo siyang sumimangot.
"Ayoko"
"Luh.. Bahala ka dyan"
"Sige wait lang bibili ako hihi"
Mood swings- eeh?
After ilang minutes siguro ay bumalik na siya. At mukhang gutom talaga siya! Andami ba naman!
Meron siyang spaghetti na dalawa, Juice, burger na apat, sandwich na tatlo, meron pa siyang fries na 6 na pack!
Hutaaanesss yan! Andami!
"Kainan na!!!"
Pasigaw niyang sabi. Nahiya naman ang sandwich at tubig na dala ko. Hmmmff!
"Kakain ka ba o lalamon?"