Pagkatapos non, hindi na ko pinapasok sa classroom. Hindi na ako welcome. Pinagsarhan na ako ng pintuan..Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng eskwelahan.
Umiiyak....
Nagdadalamhati..Wala akong pake-alam sa mga estudyanteng tumitingin sa akin.
Bahala sila.
Mas importante ang naramdaman ko ngayon.Lahat sila.
Wala na ..
Kuya at best friend ko wala na...
Di ko mapagtanto Kong bakit ganito ang kapalaran ko.
Napakasakit.Di ko namalayan na nasa harap na ako ng principals office.
Desidido na ako.
Titigil muna ako sa pag-aaral. Kahit ayaw ko, wala akong magagawa.. Wala na si kuya..
Wala narin si beba.
Ang mga kaklase ko, kimumuhian ako.Baka pag nagpatuloy pa ako, Baka kung Ano pa ang mangyari sa akin..
Ako nalang ang iiwas sa kanila.
Ako nalang ang iiwas sa problema.Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan at saka ako pumasok.
Nakita ko ang isang babae na naka upo.
Siya na ang principal."Anong kai-"
Naitigil niya ang kanyang sasabihin ng natingnan niya ako.
Tila nagulat sa di inaasahang bisita.Kinompose niya muna ang sarili bago sa akin tumingin.
"Ano iyon?"
Umupo ako sa kanyang harapan at nakita ang pangalan nia.
Mrs. Gleva C. Sanciano
"Mag dra-drop out ho Sana ako"
"Hah? Bakit? Bakit? Anong nangyari?"
Hinawakan niya pa ang isa mga balikat ko.
" ahh-kasi po... Di na ako mag-aaral.. Wala ng magpapa-aral sa akin kaya titigil mo na ako at saka nalang uli bumalik sa pag-aaral pag nakapag-ipon na"
"Hah?? Nasaan iyong si Nerva? Yung nag-alaga sayo. Jusko Nerva! Malilintikan sakin ang babaeang yun! Akala ko pa naman nasa mabuti kang kamay. Sinasaktan ka ba niya? Idedemanda ko talaga yun! Wala siyang karapatang saktan anak!"
Hinawakan niya ang kanyang sentido.
Anak?
Ako?
Anong ibig niyang sabihin?
Ako ? Anak niya?
Anak ng principal?
"H-ha? Ano pong pinagsasabi niyo?"
At ayon. Umiyak na siya ng umiyak habang yakap yakap ako.
Parang kakaiba ang pakiramdam.
Nakakagaan ng loob ang yakap niya..
Nanay ko ba talaga siya?
Paano?"Pasensya na anak. Magpapaliwanag ako"
"D-di ko maintindihan"
"Ako ang nanay mo."
Nagulat ako sa daglian niyang pagsabi.
Di ko alam ang sasabihin."Noon, mahirap lang ako... Hanggang sa naka-asawa ako ng mayaman. Yung ang tatay mo. Pero hindi naging maayos ang relasyon namin.. Laging nag-aaway. Sinasaktan niya ako anak. Isang taong gulang ka palang non. Kaya, kahit mahirap, ibinigay kita at pinaalaga Kay Nerva. Ang matalik kong kaibigan. Nagsumikap ako sa sarili ko. Pinapadalhan kita ng pera lagi.
Pero ni minsan hindi ka nawala sa isipan ko. Hanggang sa namatay ang papa mo. At lahat ng pag-mamay-ari niya ay napunta sa akin. Maging itong eskwelahan. Natigil lang ang pagpapadala ko ng pera kasi natagalan ang proseso ng paglipat sa akin ng pera. Maging dito sa eskwelahan pinapabantayan kita. Ngayon andito na ako anak. Di na kita iiwan... Patawad anak. Patawa anak ko"Niyakap ko siya pabalik.
Hindi ako nagagalit sa kanya kasi naiintindhan ko siya.Samakatuwid, nasasaktan ako para sa kanya. Para sa mama ko.
Niyakap ko siya pabalik."Okay lang hoh.. Naiintindihan ko. At least naandito na ho uli kayo.... ...... mama"
At dito magsisimula ang bagong agonymfah.
Wala na si Agonymfah Bernandino...
Kundi si Agonymfah C. Sanciano.
~End of chapter 7~
Don't forget to vote, comment and share! Thankies!
~Mariey_Chen