Chapter 6: Broken

336 9 1
                                    


Pauwi na ko ngayon sa amin. Nagswi-swing pa ako kung maglakad. Napadako ang tingin ko sa isang tindahan na may relo..
Hala!
Alasyete na! Lagot ako nito!
Tumulong pa kasi ako sa mga estudyante na mag linis after nong presentation kanina.
Tumulong na ko para mas madali .
Di ko namalayan yung oras.
Lagot ako Kay mama ...

Habang naglalakas ako sa kanto papunta sa amin, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Kumakabog dahil natatakot ako sa pwedeng kahihinatnan ko pagdating.

Nakakatakot si mama.

Malapit na ako sa bahay namin. Lakad takbo ang ginawa ko.
Nakakakaba.

Ipipihit ko na Sana ang pinto ngunit, may narinig along sigawan.

Si kuya at mama...

"Ano ba ma! Itigil mo na to!"

Pasigaw na sabi ni kuya. Nag-aaway na naman sila.
Naiiyak na naman ako.

"At Ano ang gusto mong gawin ko?! Ang magpaka lugmok dahil di na nagpapadala ang nanay niya?! Tanga ka ba?!!"

N-nanay? Nanay nino?
Naguguluhan ako.

"Isekreto na natin to ma!Ano ka ba! Masasaktan siya!"

Hah? Sinong masasaktan?
*gulp*

"Kahit na! Hindi ko inampon si nymfah para magkahirap! Inampon ko siya kasi may mag susustenso ng pangangailangan natin!"

Di ko na kinaya.

Ako pala.

Ako pala ang tinutukoy niya.

Ako pala ang ampon!

Napakasakit.

Kaya pala hindi ako matanggap tanggap ni mama kasi ampon lang pala ako.

Kaya pala sinasaktan niya ako.

Kaya pala minumura niya ako.

Kaya pala..

Di ko na kinaya.

Sumasakit.

Naninikip ang dibdib ko.
At bago pa ko tumakbo,
May bumukas na ng pintuan Kong saan ako nakatayo.

"N-nymfah?"

Si kuya.

"N-nymfah... Narinig mo ba?"

"Oo"

Matipid Kong saad.

"N-nym--"

"Wag mo Kong hawakan!"

"Pata--"

"Hindi ko kailangan ng patawad mo!"

"P-pero"

"Akala ko magkakampi tayo? Akala ko hindi mo ko sasaktan? Akala ko hindi ka maglilihim sa akin?! Huh! Bakit kuya!!!!! Bakit mo tinago sa akin ang katotohanan?!! Bakit ikaw pa?!!!!!!!"

Nanlumbay ang tuhod ko. Nanlalambot. Tumutulo na rin ang mga luha ko. Kanya kanyang nagsipatakan. Naguunahan makawala sa mga Mata ko.

Mga matang pinaniwala.

"*huk* nymfah patawad."

Umiiyak na rin si kuya.
Noon, nasasaktan akong makita siyang umiiyak..

Ngayon, nasasaktan ako kasi pinaniwala nila ako.

"Hindi na mababago ang lahat kuya"

"Patawad. Patawad"

Iniwan ko na siya dun. Nagsusumamo. Umiiyak. Nasasaktan.

Pumasok ako sa kwarto ko at umiyak. Itinago ko ang aking mukha sa unan upang di nila marinig ang hikbi ko.

Napakasakit. Napakasakit malaman na parang pinagtataksilan ka nila.
Wala kang ka-alam alam.
Walang ka muwang muwang na niloloko na ko ng nasa paligid ko. Lahat sila!

Bakit ganito ang buhay ko? Puro nalang pasakit! Wala ng bago!

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakatulog na.

***

Apat na araw.. Apat na araw na ngayon..
At ngayon lang ako papasok ng eskwelahan.
Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ginawa kundi ang umiyak at magkulong sa kwarto.

Hindi na rin ako pinapansin ni mama at si krisiyana...
Nakokonsenya siguro.

Huh! Bagay lang sa kanila yun.

Kasalukuyan akong nagsusuot ng uniporme. Ngayon ang araw ng kung saan, iaanunsyo ang dalawang pinakamataas na level.

At oo, hindi ako pumasok kahapon. Ang araw kung saan kami magpeperform.

Pero kinakabahan ako. Baka, sisihin nila ako. Masisira ang buong produksiyon pag may nawalang isa.

Nagka lagnat kasi ako kahapon. Actually hanggang ngayon din.

Bumaba na ako. Nakasalubong ko si mama ngunit parang hangin lang turingan namin.
Mas mabuti ng ganito kaysa magsalita pa sila pero di naman totoo.

Dumeritso nalang ako sa eskwelahan.

Pagtapak ko palang sa pinto ay isang malutong na tadyak ang nasalo ko.

Sabi ko na nga ba mangyayari to.

"Gaga!! Dahil sayo! Disqualified kami kahapon!!"

Alam ko. Tss.

"Alam mo naman siguro yun Diba?! Na kahit isa sa atin mawala disqualified tayo!!"

*pak*

"Asan ka kahapon tang-ina mo!?"

*pak*

At ayon nagsimula na akong makatanggap ng mga mura, tadyak, sipa, suntok at sampal.

Beba... Asan ka?

"Masakit ba?"

Tiningnan ko ang nagsalita. Nandito siya...
Nandito si beba..
Ililigtas niya ako ....

Yun lang pala ay akala ko...

"Beba..."

Mahina Kong sambit.
Nawawalan na ko ng lakas.

"Wag mo Kong tawaging beba!!! Wala akong kaibigan traidor!!!"

Galit siya. Galit si beba.

"Beba..."

"Wag mo ko sabing tawagin ng ganyan!!"

*pak*

"I'm sorry"

Umiiyak na ko.

Di ko akalain na ang taong akala ko makakaintindi sa akin ay susukuan ako.

"Alam mo ba?!! Ng dahil sayo, Nasaktan ang ego ko!! Tinawag nila akong walang kwentang Presidenti kasi dahil di ko kaya namanage ng maayos !!! Dahil yun sayo!! Kung di ka Sana umabsent, panalo na tayo!!!!!wala kang kwenta!"

Halos lumuwa na ang kanyang mga mata sa galit.

"Ng dahil sayo! Ang reputasyon ko nawasak!!!!!"

Aray....

Tumalikod na siya at tsaka sinabi ang mga katagang lalong nagpawasak ng puso ko.

"Simula ngayon, wag mo kong ituring na kaibigan. Ayoko ng kaibigan na traidor. At higit sa lahat, wag ka ng umasang magkaka-ayos tayo. "

Umalis na siya at doon nabiyak ng tuluyan ang puso ko.

~End of chapter 6~

(A/N: this story will only be compose of 10 chapters. A short story lang siya. Magfofocus ako sa story ko na "She's the modern Medusa" kindly read it also.! Thankiesss!!)

Don't forget to vote,comment and share!

~Mariey_Chen

When im GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon