Naandito na ako ngayon sa lugar kung saan ko siya matatagpuan.
Nasa loob pa ako ng kotse ko.
Kinocompose pa ang sarili.Huminga ako ng malalim bago lumabas.
Masangsang...
Amoy masangsang...
Amoy mga isda.
Tama kayo ng naiisip. Naantido sa palengke ang pinakasikat na pintor.
Pinagtitinginan ako ng mga tao. Malamang kilala nila ako.
Pero naandyan naman ang mga bodyguard ko.Dumeritso ako sa aking pupuntahan. Nasa gitna iyon ng palengke.
Malamang, ang gagawing kong eksena ay pupukaw sa atensyon ng lahat.
Ang sikat na pintor ba naman ay sinadyang bisitahin ang isang tao na nagtitinda lamang ng isda?Naandito na ako sa harap ng pwesto niya. Pero naka talikod siya.
"Mister, ilan ang kilo nitong isda?"
Humarap siya sa akin.
"Ahh, 15--"
Hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin niya dahil nagulat siya sa presensya ko.
"N-nymfah?"
Tila mawawalan na siya ng hininga at lumuwa na ang Mata sa sobrang gulat.
"Ako nga......
Beba"
"A-nong ginagawa mo dito?"
"Wala, gusto ko lang makita ang kaibigan Kong tinalikuran ako dati."
"P-atawad."
Yumuko siya.
"Akalain mo nga naman, ang dating hearthrob sa school ngayon nagtitinda nalang sa palengke. Pero, okay na ko. Hindi ka pa nag so sorry, ay pinapatawad na kita"
Totoo yun. Minsan ko ng naisip na maghigante, pero alam kong wala itong patutunguhang mabuti.
"Patawad talaga nymfah. Di ko sinasadya. Di man lang kita pinakinggan. Patawad, pero maari ko bang maitanong Kong bakit di ka dumating sa FF natin noon?"
"Nong unang araw ng ng FF, ay late na ko nauwi. Nadinig ko si mama at kuya na nag-aaway. Don ko nalaman na ampon ako.. Labis akong nasaktan. Nagkulong sa kwarto at umiiyak magdamag. Linagnat ako non. Kaya di ako pumasok. Wala naman akong cellphone para tawagan ka"
Matapos non, nakita ko ang pagsisi sa mga Mata niya.
"N-nymfahhh...."
Umiiyak na siya. Lumuhod siya sa harap ko.
"Ano ba... Tumayo ka diyan!"
"Patawad patawad nymfah beba"
*****
Matapos kay Xavier, naandito na ko ngayon sa harap ng isang bahay na tagpi tagpi.
Mas lalo pa yatang nasira Simula ng Huli ko itong makita.*toktoktok*
Binuksan ng isang payat na babae ang pintuan. Kitang kita na ang kanyang buto sa pisngi. Payat na payat pero halatang bata pa siya.
"Sino sila?"
*smiles*
Ngumiti lamang ako ..
Lumapit siya sa mukha ko at tila inaalala kong sino ako.At nong naaninag na niya at maalala Kong sino ako ay nagulat siya..
"N-nymfah???"
"Ako nga.....
Krisiyana"
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Kahit naandoon parin siya sa pintuan. Gulat na gulat.
"P-paanong?"
"Kamusta?"
"Nymfah..."
"Asan siya?"
"N-nasa kwarto. Puntahan mo nalang"
Inihakbang ko ang aking mga paa. Bawat hakbang ay gumagawa sa akin ng kaba.
Kinakakabahan ako sa maaring mangyari.
Pinihit ko ang pintuan ng dahan dahan. Hanggang sa nakita ko ang babaeng nakaratay sa higaan.
Nanghihina...
Bakas na ang katandaan...
Labas na ang mga buto...
Nakakaawa...
Para anong oras ay...
Bibigay na."S-sino yan?"
Sambit niya ng mahina.
Naawa ako sa kondisyon niya. Kahit Ano pa ang naging nakaraan namin ay, nagging parte din siya ng buhay ko."S-sino nga yan?"
Paguulit niya.
"K-krisiyana anak, ikaw ba yan?"
Muli niyang sambit.
"P-akikuha nga ako ng tubig. "
Kumuha ako ng tubig sa kilid ng Kama niya kung saan may pitsel, baso, at mga gamot.
"Eto na po"
"Namamaos ka na yana? Bakit iba ang Boses mo?"
Iminulat niya ang mga Mata. Inaaninag kung sino ako.. At ng maalala na niya, maluha luha siyang tumingin.
"I-ikaw? Nymfahh.. Ikaw nga!"
Galak na galak niyang sabi.
"Ako nga"
"Patawad..patawad sa lahat ng nagawa ko. "
Ayokong umiyak.
"Di na din po ako magtatagal. Alis na po ako"
Umalis na ko. Ayokong tumagal pa dun.
Pagkalabas ko, nakita ko ulit si krisiyana."Paki sabi sa kuya na tingnan ang bank account niya mamaya.. Aalis na ako"
Hindi ko na siya pinagsalita. Di ko pa pala kayang makaharap sa kanila.
Pumasok na ako sa kotse ko at umalis.
Ngunit ang mga nangyari ngayon at kanina ay binabagabag ako na naginh dahilan para mawalan ako ng kontrol sa sinasakyan...At lahat ay biglang nandilim...
~End of chapter 9~
A/N: The next chapter would be epilogue..
Thankiess!
~Mariey_Chen