Chapter 4: Preparation

323 16 0
                                    


Maaga akong nagising ngayon. Mahirap na ma late. Pagkabangon ko ay  nag mumog muna ako.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nagsaing ako ng kanin at tsaka nag prito ng tuyo. Okay na to. Atleast may laman ang tiyan.

Maka lipas ng kalahating oras ay bumaba na si krisiyana,mama at si kuya.

"Magandang umaga fahyatot!"

"Magandang umaga din."

Pagkatapos non, nagsimula na kameng kumain. Tanging mga kubyertos lamang ang maingay. Napaka lungkot.

"Alis na ko"

Sabi ni mama tsaka siya tumayo at iniwan ang pinggan sa mesa.

"Saan ka pupunta ma? Magsusugal na naman?"

Pagtatanong ni kuya.

"Ano bang pakealam mo?!"

Nagulat ako sa inasta ni mama. Bigla nalang kasi niya pinalo ang lamesa. Natapon tuloy ang kinakain ko. Wala pa namang natira.

"Ano ba ma?! Imbis na magsugal ka, Edi sana nagtrabaho ka nalang!!"

"Wag mo kong sigawan at pangaralan!! Anak lang kita!"

"Eh totoo naman eh! Wala ka ng ibang ginawa kundi magsugal! Wala na ngang makain nagsusugal parin!!!!"

*Pak*

Sinampal ni mama si kuya.

"Wala kang modo!!"

Nangangalaiti na sa galit si mama. Natatakot ako sa pwedeng kahihinatnan nitong away!

"Ano?!! Bakit nyo ko sinampal?? Totoo kasi! Wala kang kwentang magulang!!!"

*Pak* *pak*

Umiiyak na ko. Di ko na kaya na makita kaming nagkaka ganito.

"M-ma tama na"

Ang lakas loob kung sabi. Natuon sa akin ang nanlilisik na Mata ni mama. Puno ito ng galit pero may makikita kang lungkot at sakit.

"Wag kang maki-alam!"

Sigaw niya sa akin. Napatalon pa nga ako sa sobrang gulat.
Tumulo na naman ang luha ko.

"Ma!Wag si nymfah!"

Pag-aawat ni kuya.

"Magsama kayong dalawa! Pareho kayong mga inutil! Wala kayong utang na loob!"

"Ma! Di naman yata tama na pagsalitaan mo kame ng ganyan!"

"Nagsasabi ako ng totoo! Mga wala kayong kwenta!!"

"Ma!!! Mas wala kang kwenta! Wala ka ng ibang ginagawa! Di mo na kami bininigyang pansin! Lagi ka nalang doon at nagpapakalulong sa sugal!! Talagang hindi tayo aahon sa hirap kung ganyan kayo!"

"Bwisit kayo!"

Ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin.

"At ikaw!! Sana di ka nalang dumating sa buhay ko!"

Naiiyak ako. Bakit siya ganyan? Ano bang nagawa kong Mali?
Naging mabuti akong anak!
Sinusunod ko ang ang bawat utos niya. Lahat lahat.
Ano pa ba ang kulang sa akin.

Matapos non ay umalis na si mama at hinabol naman siya ni kuya.

Pinulot ko nalang ang mga natapon na pagkain.

"Linisin mo yan"

Saad ni krisiyana. Andyan pa siya. Ni minsan di ko naranasan ng maituring ng kapatid niya. Lagi niya akong pinagtatabuyan.
Ang sakit. Ang sakit na mismong kapatid mo ay ayaw sayo at kinamumuhian ka..

Tinapos ko nalang ang paglilinis.
Byernes na ngayon. Huling araw ngayong weekdays sa pagpasok sa school.

Matapos non ay dumeritso na Ako sa kwarto .. Naligo na ako at nagbihis. Pupunta ako ngayon ng school.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si kuya na ka-babalik lang.

"Kuya? Anong nangyari?"

Pambungad ko sa kanya agad. Nag-aalala ako sa kanya. Baka kasi anong nangyari sa kanya. Sa kanila ni mama.

"Wala yun! Sige pumasok ka na"

"Pero kuya--"

"Sige na ako ng bahala dito"

"Hayss. Sige kuya!"

Ayaw ko ng mangulit pa. Iniiwan lang siguro niyang masabi sa akin kasi baka sumama pa ang loob ko.

****

Nandito na ko ngayon sa classroom. Busy ang lahat. Binigay ang araw na ito para makapag prepare ang lahat ng mga estudyante para sa Festival of talent.

"Oh guys! Wala bang problema sa  magiging role ninyo?"

"Wala naman!"

Sabay sabay nilang sabi. Sa gitna, nakikita ko ang mga magsasayaw. Katabi nila ng mga kakanta.

Sa kabilang banda nandoon ang mga mag a-acting, tutula, at mag ba-balet.

Sa bandang likod nandoon ang mag ra-rap.

"Oh beba? Ano pang hinihintay mo? Praktis na kayo"

"Opo beba"

Nagumpisa na kami.
Sana maging maganda ang resulta nito.

~End of chapter 4~

Don't forget to vote, comment, and share! Thankiess!

~Mariey_Chen

When im GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon