MUSIC 7

1K 25 2
                                    

(Author's note: A short chapter for everyone. Hehe. Love chapter. And a photo of Mad.)
*******





MUSIC 7




"GOODNESS, Med! Hindi mo man lang sinabi na kapatid mo pala ang isa sa HEAM kings at kambal mo pa!"-hindi makapaniwalang sabi sa kanya ni Mikaehla. "Kaya ka ba nag-disguise? Pero bakit gano'n si harmony sa'yo? He's too harsh on you!"-iiling-iling na singhal nito.

Nginitian niya ito, bago sumagot.

"Yeah.. He used to be sweet and caring when it comes to me at tulad ng sinabi mo nagsimula siyang maging gano'n bago pa siya mag-college, he even ask my mother to buy him a condo."-mapait na sabi niya.

Bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa sitwasyon nila ng kapatid.

"Geez.. He's so mean to you yesterday.. Pero alam mo bang lumungkot yung mukha niya pagkatapos mong tumakbo paalis?"

Umiling siya at kumunot ang noo.

Malungkot siya? Pero bakit?

"Nevermind..– oh! I forgot, Med!"-sigaw nito dahilan para magtaka siya.

"What?"

Ngumiti ito ng malawak.

"Malapit na ang kasal namin ni Ruso and I want you to be there as my maid of honor."

"T-teka.. Hindi ba pwedeng bisita nalang? Tsaka diba sabi nila kung sino yung maid of honor at groomsmen sa isang kasal sila yung sunod na ikakasal?"

"*laugh* Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa't isa pwede kayo ang susunod na ikasal pero kung hindi, pwede namang iba."

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ng kaibigan.

Think about it, she never knew what love feels like ang alam niya lang ay kung gaano niya kamahal ang kapatid niya.

Ano kayang feeling ng magmahal ka ng ibang lalaki?

"Wait.. Don't tell me..."-tinignan siya ni Mikaehla ng nanlalaki ang mata. "Wala ka bang naging boyfriend? Oh well, parehas lang tayong hindi nagka-boyfriend bago ko makilala si Ruso. *giggle*"

Napailing nalang siya sa inakto nito.

Ni-minsan kasi hindi pumasok sa utak niya ang mag-boyfriend o makipagkaibigan sa mga lalaki.
She treat Harmony like her one and only bestfriend at hindi niya ito ipagpapalit sa iba.

"Kailan ba yung kasal?"

"Ahmm... Next month or next next month, I guess."-nag-iisip na sabi nito. "Pero kahit na malayo pa 'yon para sa'yo, para sa'kin malapit na 'yon! Kaya hindi ka pwedeng mag-back out."

Napabuntong hininga nalang siya.

Malayo pa pero excited na siya. Ano kayang piling ng ikinasal ka sa lalaking mahal mo?

She just smile at the that thought.

Sino kaya ang lalaking makakatuluyan ko?





MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon