MUSIC 13

926 19 0
                                    

MUSIC 13



*1 week ago, after meeting Mad's parent*




KINAKABAHANG binuksan ni Melody ang pintuan ng bahay nila galing sa bahay ng Mad-ster na 'yon, Hinatid lang siya nito pabalik bago umalis.

Bakit kasi napaka-ungentleman ng lalaking 'yon!?

"Mom."-bungad niya sa ina na nakapamewang at madiin ang tingin sa kanya.

Tinignan siya mula ulo hanggang paa ng ina at parang sinusuri ang katawan niya.

"Kailan ka pa buntis?"-tanong ng ina niya na ikinalaki ng mata niya at winagayway ang kamay na parang sinasabi na 'hindi 'yon totoo.'

"M-mom... Na-nagbibiro lang naman ako k-kanina eh!"-depensa niya.

"Eh bakit ka ginabi ng uwi?!"-tanong ulit nito. "And you don't even told me that you already have a boyfriend!"-singhal nito sa kanya.

"Eh mom—"

"Anong ginawa niyo hah?!"-putol sa kanya nito na ikinapikit niya.

"M-mommy.... H-hindi naman—"-pinutol ulit ng kanyang ina ang sasabihin.

"May nangyari na ba sa inyo hah?!"-sigaw ng ina na ikinapitlag niya.

"O-of course not, mom! Hinding-hindi ako papatol sa monster noh!"-gulat na sagot niya na ikinahinga ng maluwag ng ina.

"*Sigh* mabuti kung gan'on."-kalmadong sabi nito at tumingin ng diretso sa mata niya. "Okay lang na mag-boyfriend ka basta yung lalaki lang na 'yon ang pwede mong ipapakilala at dadalhin mo dito, understand?"-final na sabi ng mommy niya na ikinalaki ng mata niya.

Akmang magrereklamo siya ng magsalita ulit ang ina.

"At ayokong makarinig ng reklamo."-dugtong nito bago siya talikuran at iwan sa sala.

Napabuntong hininga nalang siya at wala ng nagawa.

Mukhang wala na akong kawala sa sitwasyon na 'to.

*•°•°•*

*PRESENT*




HINDI alam ni Melody kung ano ba ang uunahin niya sa loob ng dorm nila Mad. Madaming nakakalat na papel kasama na ang balat ng tsitsirya at coke cans sa sala na halatang-halata na sinadyang ikalat. Habang sa kusina naman ay may dalawang plato sa lamesa.. may mga basag na itlog at tambak ang hugasin sa lababo.

Goodness!! Mad-ster na Mad-ster talaga ang lalaking 'yon!!

Sinimulan niyang pulutin ang mga crumple papers na nagkalat sa daan papunta sa kwarto. There's two rooms inside the dorm, blue door and a red door. Pumasok siya sa kulay pulang pinto na may design na Lion.

Infairness malinis ang kwartong 'to. For sure hindi ang Mad-ster na 'yon ang nag-ruroom dito.

Nang lumabas siya sa kwarto sinimulan niya na malinis sa sala. Konti lang ang alam niya sa gawaing bahay at hindi kasama do'n ang pagluluto at pag-aayos ng gamit.

I need to finish this immediately, gusto kong magpahinga sa dorm.



MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon