SPECIAL MUSIC 1

1.1K 20 2
                                    

SPECIAL MUSIC 1/1




PINAGMAMASDAN ni Melody na kagagaling lang sa banyo ang kaibigan na si Mikaehla. Hawak nito ang hair brush at nakatapat sa bibig habang nakapikit.

"♪Bakit labis kitang mahal?~"-birit nito.

Napangiti siya nang marinig ang boses ng kaibigan habang kumakanta at sinasabayan ang kanta sa cellphone nito.

Kumu-curve ang boses nito at minsan ay pinapalalim. This is the first time she heard her singing. At masasabi niyang may potensyal itong maging singer.

"Wow!! Marunong ka palang kumanta bakit di mo sinabi sa'kin?"-manghang sabi niya na ikinatingin nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito nang mapatingin sa kanya namula rin ang mga pisngi nito at napaiwas ng tingin.

"H-huh? H-hindi naman.. A-ang pangit nga ng boses ko eh!"-sabay tawa nito ng peke.

Napailing siya at lumapit sa sofa. Pinatay niya rin ang music sa cellphone nito para makapag-usap sila ng maayos.

"Hindi ah.. Ang ganda nga ng boses mo eh. May pa-curve pa 'yon! Tapos nako-control mo rin yung boses mo, alam mo ba 'yon?"-namamanghang sabi niya.

Tumabi sa kanya ang babae bago kinuha ang cellphone sa kanyang tabi.

"Alam mo bang iisang tao palang ang nakakarinig ng boses ko habang kumakanta? At ikaw ang pangalawa."-biglang kwento nito na ikinatigil niya.

"Bakit? At sino naman yung isa?"-takang tanong niya.

Sumandal ito sa sofa at tumingala habang nakangiti na parang may naalala.

"Si Ruso. Pinagawa niya ako ng kanta noon dahil 'yon ang gusto niyang birthday gift."-bigla itong napatawa. "That was the first time I wrote a song entitled 'Together with me'."-mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Nung time rin na 'yon... Umamin siya sa'kin, but I'm too scared to love that time. Hindi ako natatakot na masaktan, pero natatakot akong masaktan siya dahil sa nararamdaman ko."

Hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti ng matamis habang nakikinig.

"But then.. I manage to tell him what I truly feel. I manage to tell him that I'm ready to give my world, my heart and soul to him. Only him."-dugtong nito. Kita niya ang kislap sa mga mata nito habang nag-kukwento.

Maybe this is the true meaning of love. To make you feel happy and comfortable with someone.





SPECIAL MUSIC 1/2





"CLEAN this too."

Pinunasan niya ang lamesa tulad ng sinabi ng lalaki sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo habang nagpupunas.

"After that, clean the whole dorm.. I'll be watching you."-utos nito bago umalis sa kusina.

Natapos siya sa paglilinis sa loob ng kusina kaya lumabas na siya doon. Nakita niya ang binata na naka-de kwatro sa sofa habang nagbabasa ng libro.

Akmang kukunin niya ang walis ng makita niya ang vacuum cleaner sa tabi nito.

"Don't use that. It's broken."-maiksing sambit nito sa kanya.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon