MUSIC 21

1K 14 0
                                    

MUSIC 21


IT'S been two days the accident happened at hinihintay parin nila na magising si Melody.

Sila East at Anthony ang nagdadala sa kanila ng pagkain tuwing umaga, hapon at gabi. Iyon parin ang suot nilang dalawa ni Harmony na damit, hindi sila umuuwi para magpalit dahil nagbabakasakali sila na baka anytime magising si Melody.

Hindi siya nag-s-stay ng dahil sa guilty siya, nag-stay siya dahil gusto niya at mahal niya ito.

Ayaw ipahawak sa kanya no Harmony maski ang isang hibla ng buhok ng dalaga, kaya tuwing tulog ang kaibigan hahawakan niya ang kamay ng dalaga at hahalikan sa noo. Araw-araw din na pinupunasan ni Harmony ang braso, paa at pisngi ng dalaga.

Maitim ang ilalim ng mata nilang dalawa na parang kulang sa tulog. In short, they both look miserable.

Hawak niya ang kamay ng dalaga habang kausap ni Harmony sa labas ang doctor.

Please... Wake up.

Akmang bibitiwan niya ang kamay nito nung bumukas ang pintuan ng kwarto, bigla siyang napatigil at gulat na napatingin sa kamay ng dalaga na mahigpit ang kapit sa kanyang kamay.

"What are you doing?!"-malamig na tanong sa kanya ng kaibigan. "Diba sabi ko 'wag mong hahawakan ang kapatid k—"

"W-where..."

Nanlalaking mata na napatingin si Harmony sa kapatid na ngayon ay nakadilat na.

Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang dalaga habang isa-isang tumutulo ang mga luha niya.

"W-what... Are you.... Doing?"

Lumayo siya sa pagkakayakap dito at tinitigan ang mukha nito.

Did she remember me?

Pumasok si Harmony na may kasamang doctor. Tumakbo pala ito palabas kanina ng hindi niya namamalayan.

Chineck ng doctor ang dalaga at pagkatapos nitong sabihin na okay na ang dalaga ay umalis na ito.

Tumingin sa kanilang dalawa si Melody na may pagtataka sa mukha.

"Who are you?"-takang tanong nito sa kanila.

Parang may kung anong tinik ang tumusok sa puso niya pagkatapos marinig ang tanong ng dalaga.

Why?

"I'm... Your boyfriend."-sinubukan niyang patatagin ang boses niya habang pinipigil ang luha.

"Boyfriend?"-naguguluhang tanong ng dalaga.

Tumango lang siya bilang sagot, habang nakakuyom ang kamao na nakatingin dito.

Please... Remember me.

"*chuckle* What are you talking about? I don't have a boyfriend."-natatawang sabi nito na nakapagpayuko sa kanya.

Tears fell from his eyes, after hearing what she said.

Why it is should have be like this?! Why can't you remember me?!

"I-i'm your big brother."-biglang sabat ni Harmony.

Bakas ang kaba sa mukha at boses nito habang nakatingin ng diretso sa dalaga.

"B-big brother?"-gulat na tanong Ang dalaga.

"Y-yes... T-twin brother to be exact."-garalgal na boses na sabi ng kaibigan.

"But I already have a big brother... His name is East. And I don't have a twin"-nagtatakang sagot nito na ikinagulat nila.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon