MUSIC 16

865 19 0
                                    

MUSIC 16





SA ISANG linggong lumipas hindi na naging malupit sa kanya si Mad, pero naging gentleman at sweet naman ito sa kanya.

He's even letting her sing and play instrument, at naninibago siya sa inaakto ng binata. Kilala niya si Mad as a violent monster, kaya naiilang siya tuwing nagsasabi ito ng mga sweet words sa kanya.

Madaming nangyari sa isang linggong nagdaan.. Tulad ng pagiging tahimik at lutang ni East, ang pagdikit ni Floritta kay Anthony, at ang pagiging overprotective sa kanya ng kuya niya, medyo sweet na rin ito sa kanya tulad ng dati.

Napatingin siya kay Chennessy ng bigla itong umubo ng sunod-sunod.

"Hey, are you okay?"-nag-aalalang tanong niya dito na tumigil na sa pag-ubo at tumango lang.

"But-"

"I'm fine, Med.. Nasamid lang siguro ako."

Tinignan niyang mabuti ang mukha nito, at hindi siya kombensidong okay ang dalaga dahil namumutla ito.

She's not okay, I know that.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila.

"S-saan tayo pupunta?"-takang tanong ng dalaga sa kanya.

"Sa clinic. Baka lumala 'yang ubo mo eh."

Hindi na ito sumagot at nagpatangay nalang sa kanya.

"Excuse me?"-tawag pansin niya sa doctor.

May sariling doctor ang M.A in case of emergency.

"Yes? May masakit ba sa inyo?"-tanong nito sa kanila.

"Ah.. Doc. Pwede niyo po ba siya i-check up?"-turo niya kay Chennessy.

Tumingin ang doctor kay Chennessy.

"Ms. Ramos, right?"

Tumango ang kaibigan.

"Y-yes, dra. Flores."

Halata niyang kinakabahan ang kaibigan na ipinagtaka niya.

May hindi ba ako alam?

"Your personal doctor call me."-bumuntong hininga muna ito at tumingin ng seryoso sa kaibigan. "Bakit hindi mo iniinom ang gamot na binibigay sa'yo?"

Naguguluhang papalit-palit siya ng tingin sa dalawa.

What's going on? Gamot? May sakit si Chennessy?

"D-doc-"

"Gusto mo na bang mamatay, Ms. Ramos?!"-frustrated na singhal ng doctor na ikinapikit ng dalaga. "Delikado para sa'yong hindi uminom ng gamot, lalo mong papalalain ang kondisyon ng puso mo."-concern na dugtong nito na ikinagulat niya.

She understand what the doctor's saying and it makes her worry about her friend condition.

May sakit pala ito sa puso na hindi man lang nito sinabi sa kanya.

"I'm sorry, doc."-hinging patawad ng kaibigan dito.

May kinuha ang doctor sa drawer at binigay kay Chennessy.

"Inumin mo 'yan, everyday."

Tumango lang ang kaibigan pagkakuha sa gamot, bago humarap sa kanya at lumabas sa clinic.

Maputla ito na hindi masyadong halata dahil sa maputing kutis nito.

She's so brave for enduring the pain all by herself.




MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon