MUSIC 4

1K 30 0
                                    

(Author's note: Menoetius - Menoytyus, Dion - Dayon, Rhyme - Raym, Draime - Dreym. May dahilan po kung bakit naging ganon sila MAD, Harmony, East and Anthony.
Clue: sabay-sabay nangyari ang hindi nila inaasahan nung araw na 'yon.)
**********




MUSIC 4





NAKAKUNOT noong nakatingin lang si Melody sa harapan niya kung saan nagsusubuan si Mikaehla and Rusouki ng pagkain.

Seriously? Ano bang meron sa dalawang 'to?

Napairap nalang siya sa hangin at pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi niya pa rin makita yung Composing notebook niya at hindi niya narin alam kung saan into hahanapin.

Asan ko ba kasi nalagay 'yon?

Napatingin siya sa stage sa canteen. Nagtataka talaga siya kung bakit merong ganito sa loob ng canteen pero hindi naman ginagamit.

Para saan kaya 'yan?

"Dati pa 'yan dyan.. and ginamit na daw 'yan dati ng Heam, dyan daw kasi nila kinakanta yung mga new songs nila."-nabaling ang tingin nito kay Mikaehla na siyang nagsalita. "Bago daw mag-college ang Heam nagsimula na silang magbago sa hindi inaasahang dahilan. I don't know the reason kasi kaka-transfer ko lang dito nung second year college eh, at narinig ko lang 'yon noon."-paliwanag nito.

Kinakanta ang new songs nila? So they are composing a song, and that's their stage.

Napangiti naman siya ng mapait ng maalala niya yung time bago mag-college ang kapatid niya dito sa M.A.




•°-*-°•
"KUYA!! look oh! I write our name on my guitar!"-masiglang bati ni Melody sa kapatid na kakapasok lang sa bahay nila, pero hindi siya nito pinansin at nilagpasan lang siya.

Eh? What's with him?

Nagtatampong sinundan niya ang kapatid na papunta sa dining area ng bahay nila kung saan ando'n ang magulang nilang dalawa.

Nilapag niya ang gitara niya sa tabi bago tinabihan ang kapatid sa upuan at nagsimulang kumain.

"Mom.. I want a condo."

Nabitawan niya bigla ang kubyertos dahil sa narinig mula sa kapatid.

He want.... A condo?

"Why Kuya? Diba tuturuan mo pa ako kung paano tumugtog ng keybord? Tapos ipaparinig mo pa sa'kin yung bag-"

"SHUT THE FVCK UP, MELODY!"-sigaw nito sa kanya.

Napayuko nalang siya at pinigilang 'wag maiyak.

"Don't shout at your sister, Harmony! And don't cussed in front of us!!"-sigaw ng mommy nila dito.

Why is he being like this?

"Tsk! It's just that.. She is so fvcking annoying!"-sigaw pa nito bago umalis sa dining area.

Hindi alam ni Melody kung anong gagawin matapos sabihin ng kapatid ang salitang iyon at paulit-ulit nag-rereplay sa isip niya ito.

'She is so fvcking annoying!'

'She is so fvcking annoying!'

'She is so fvcking annoying!'

'..annoying'

Am I really annoying?

Malungkot ang mukha at nakayukong tumayo siya sa upuan bago lumabas ng dining area.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon