MUSIC 15

878 20 2
                                    

MUSIC 15





NAKATINGIN lang si Melody sa babaeng kasama nila Mad sa table ng mga ito sa canteen.

Who's that girl?

"Who's that girl?"

Napalingon siya sa babaeng katabi niya, at nakita niyang nakatingin ito sa babae na ngayon ay hinahalikan si Anthony sa pisngi.

Medyo malayo ang pwesto nila Mad sa kanila kaya hindi niya marinig ang usapan ng mga ito, pinakatitigan niyang mabuti ang babaeng kasama ng mga ito.

Bakit parang... Familiar ang mukhang 'yon?

Bigla niyang naalala yung araw na naglinis siya sa dorm nila Mad.

"Oh! Yung Sumire sister!"-biglang banggit niya ng maalala kung saan niya nakita ang babae.

"She seems to like Anthony, huh."-komento ni Chennessy na ikinangiti niya lang.

Napatingin sa pwesto nila ang babae na napangiti ng makita siya.

"RHYME-SAMAA!"-tili nito at tumakbo papunta sa pwesto nila.

Napaayos siya ng upo dahil sa gulat ng bigla siyang sugurin nito ng yakap.

"Long time no see, Rhyme-sama!"-bati nito sa kanya.

Alanganing ngiti ang iginanti niya dito bago sumagot.

"You too, F-flor-I mean, Fle-"

"It's Floritta."-putol nito sa sasabihin niya.

"Oh?"-napatingin siya kay Chennessy ng mahina itong tumawa. "Ah.. Floritta, she's Chennessy. My friend."

"Chennessy Ramos?"-namamanghang sambit ni Floritta. "I really love the way you model Lala Rusoi's design! Bagay na bagay sa'yo yung mga dresses na gawa niya mismo."-masayang sabi muli nito.

Lumapit ito kay Chennessy at umupo sa tabi nito.

"I'm sure nakita mo na itsura ni Lala Rusoi. So, is she beautiful?"-excited na tanong nito.

Naiilang na napakamot sa batok si Chennessy at umiling.

"I still haven't seen her face, yet. Tuwing pumapasok kasi siya sa trabaho lagi siyang naka-mask, at iba ang boses."-sagot naman nito na ikinataka niya.

She haven't seen Mikaehla's face, yet? But why?

"At hindi Lala Rusoi ang tunay niyang pangalan."-uminom muna ito ng tubig bago magsalitang muli. "Ang sa pagkakaalam ko dapat kasal na siya ngayon, pero na-move daw ang kasal eh."-pagpapatuloy nito.

"Eh kasing edaran nga lang natin siya, tapos magpapakasal agad siya?"-nagtatakang sabi ni Floritta na ikinatawa niya ng mahina.

"Handa lang kasi siya sa mga responsibilidad, maging asawa at ina."-sabat niya.

Napamaang na tumingin sa kanya ang dalawa at hindi nakasagot.

That's Mikaehla, my always ready bestfriend.




MARIIN ang pagkakapikit ni Melody sa kanyang mata habang iniinda ang sakit at hapdi ng pagkakasabunot at pagkakakalmot sa kanya ng apat na babae.

Sa hindi malamang dahilan.. biglang humarang sa dinadaanan niya apat at sinugod siya ng sampal hanggang sa sinabunutan na siya ng mga ito.

This isn't the first time na may nambully sa kanya, pero this is the first time na may nambully sa kanya Physically.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon