PROLOGUE

1.9K 50 0
                                    

PROLOGUE

MELODY’s walking in the hallway while holding her guitar when someone pulled it from her arms.

Napalingon siya sa dalawang babae na nakangising nakatingin sa kanya habang pinaglalaruan ang kanyang gitara.

“Ibalik niyo sa’kin ang gitara ko!”-Sigaw ni Melody sa dalawa na pinagtawanan lang siya.

“Hindi mo dapat sinasayang ang oras mo sa isang pangarap na imposibleng matupad!”-natatawang sabi ng babaeng kumuha sa gitara niya.

“Alam mo ba na may mga bagay na mas mahalaga pang gawin kaysa dito? Try mo kayang gumimik at mag-boyfriend hindi yung sinasayang mo yung oras mo sa walang kwentang bagay.”-tumatawang sabi ng isa pa.

Nainis naman si Melody sa sinabi ng dalawa.

“Walang imposible kung sisikapin mong makuha ang pinapangarap mo! At hindi ko sinasayang ang oras ko sa walang kwentang bagay! Music is part of our life and I love music, I love my dreams at wala kayong karapatang sabihin na walang kwenta ang ginagawa ko! And boyfriend? Wala sa vocabulary ko ang salitang ‘yan! Eh kayo? May kwenta ba ang buhay niyo?”-inis na sigaw niya.

Namula sa inis ang dalawa dahil sa huling niyang sinabi.

“You MUSIC FREAK!!”-inis na sigaw ng babaeng hawak ang kanyang gitara at hinampas sa sahig ang gitara niya.
Nanlalaking mata na nakatingin siya sa gitarang sira at nakalapag sa sahig.

“You deserve that freak!”-nakangising sabi nung isang babae.

Galit na binaling niya ang tingin sa dalawang babaeng papaalis na sa kanyang harapan.

“YOU BROKE MY GUITAR STUPID SLUT!!”-sigaw niya sabay hila sa buhok ng dalawang babae dahilan upang mapatingin ang ibang studyante sa pwesto nila.

“Kyah!!”-tili ng dalawa at gumanti sa kanya ng sabunot.

“HOW DARE YOU BROKE MY PRECIOUS GUITAR?!!”-galit na galit na sigaw niya at sinampal yung isang babae.

“IT’S JUST A GUITAR! MUSIC FREAK!”

“IT’S NOT JUST A GUITAR! STUPID SLUT!”

“SOMEONE STOP THEM!!”-sigaw ng familiar na boses.

Patuloy lang silang dalawa sa pag-aaway ng maramdaman nila ang mga kamay na pinipilit na paghiwalayin silang tatlo.

“WHAT THE HECK, MELODY?!”-galit na sigaw kanyang kapatid na lalaki ng mapaghiwalay silang tatlo.

“K-kuya…”-naiiyak na s
sambit niya.

Hindi nawala ang galit na expression ng kanyang kapatid.

“What do you think you’re doing Melody?”-madiin ngunit kalmadong tanong ng kanyang kapatid.

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata dahil alam niyang siya ang gumawa ng mali para sa kanyang kapatid na lalaki.

“S-sinira nila ang gitara ko..”-umiiyak na sabi niya at napayuko.

Napapikit ng mariin ang kanyang kapatid at pinipilit kumalma.

“IT’S JUST A GUITAR!”-inis na sigaw sa kanya nito.

Una palang alam niya ng ayaw nito sa music at sa kanya, kaya nga ito nagpabili ng condo sa magulang nila eh.

Yeah JUST a guitar.

“It’s not just a guitar.. It’s your gift for me.”-malumanay na sabi niya.

Hinila nito ang kanyang braso at halos mapadaing siya sa higpit ng kapit nito sa kanya.

“Can’t you just please stop being a music freak!”-iritang sigaw nito sa kanya.

Hindi siya sumagot at ininda nalang ang sakit na nararamdaman sa higpit ng hawak nito sa kanya.

You taught me how to play a guitar, and you even taught me how to sing!

Gusto niyang isigaw ‘yon sa kuya niya pero natatakot siya sa kung ano ang magiging reaksyon nito.

“WHAT happened?”-nag-aalalang tanong ng kanyang ina sa kanya pero hindi siya sumagot.

Hindi niya namalayan kanina na sinakay pala siya ng kanyang kapatid sa kotse at iniuwi sa bahay nila.

“SHE JUST MAKE A F*CKING SCENE IN SCHOOL, MOM!”-sigaw ng kapatid.

Tinignan ito ng masama ng kanyang ina.

“Watch your mouth, Harmony Draime!”-their mom said with a warning tone.

Bumaling sa kanya ang kanilang ina na may malambot na expression ang mukha.

“I’m sorry mom.”-mahinang sabi niya.

“It’s okay. Hindi naman natin maiiwasan ang manakit ng kapwa.”-nakangiting sabi ng kanyang ina at niyakap siya.

“You should stop spoiling her mom. And please transfer her to other school.”-Iritang sabi ng kapatid.

Napaisip naman siya bigla. At biglang pumasok sa isip niya ang isang school na sa tingin niya ay babagay sa kanya.

Ang school na pinapasukan ng kanyang kapatid.

Musicious Academy.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon