MUSIC 17

852 17 0
                                    

MUSIC 17

NAPAKAGAT labi si Melody dahil sa pagpahid in Mad ng natirang sauce sa gilid ng labi niya.

"T-thanks."-nahihiyang sabi niya.

Pagkatapos kasi siyang kantahan ng binata kumain na silang dalawa, and guess who the waiter is.... It's Anthony, nakasimangot ito habang pinag-siserve sila ng food kanina.

"Hindi ko alam na marunong ka palang mag-effort, Mad-ster."-nang-aasar na sabi niya sa binata na inirapan siya.

"Of course."-ngisi nito. "I can make an effort just for you."

Napaiwas siya bigla ng tingin dahil feeling niya namumula siya.

Gosh!! Ano ba kasing nakain niya at kung ano-anong nasasabi niya?!

Napatingin ulit siya sa binata ng marinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"*chuckle* My sweetheart is blushing."-ani nito habang nakatingin sa kanya at nagpatigil sa kanya.

Napatigil siya hindi dahil sa pagtawa nito kundi sa tinawag nito sa kanya.

Sweetheart?

Napatakip siya sa mukha ng maramdaman ang paginit ng mukha, dahilan para makarinig siya ng malakas na pagtawa.

"A-ano bang p-p-pinagsasabi mo?!"-nakatakip sa mukhang singhal niya dito. Sumilip siya ng konti para makita ang reaksyon ng binata sa harapan niya. "N-nakakahiya ka! A-a-ang corny mo!"-dugtong niya pa na mas lalong nagpalakas sa tawa nito.

This is the first time na marinig niyang tumawa si Mad ng malakas, at parang musika ang tawa nito sa kanyang pandinig.

Unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha para matitigan ng maayos ang mukha nito. Makita niya lang ang masayang mukha nito, hindi niya mapigilan na mapangiti.

"Mas gwapo ka pala pag tumatawa."

Tumigil sa pagtawa ang binata at napalitan ng ngisi. Tumingin ito sa kanya ng may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"You think so?"-tanong nito na ikinataka niya.

What is he talking about?

"You said 'Mas gwapo ka pala pag tumatawa.' to me."

Imbis na mahiya siya dahil nasabi niya ang dapat sa isip niya lang, mas natawa siya dahil sa ginawang panggagaya nito sa sinabi niya.

Medyo baliko ang pagtagalog ng binata. Kaya pala hindi ito nagtatagalog dahil baliko magsalita!

Napahawak siya sa tyan niya dahil sa kakatawa.

"HAHAHAHA!! Ang sakit ng tyan ko.. Hahahaha!!"-tawa niya.

Tinignan siya nito ng masama at inirapan siya.

"Shut the fvck up, Med-ic."-salubong ang kilay na sabi nito.

Imbis na tumigil tumawa lang siya ng tumawa at nagpapadyak na sa kakatawa ang paa.

Tuwing naaalala niya ang pagtagalog nito mas lalo siyang natatawa.

Napatigil lang siya ng hawakan ng binata ang baba niya na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya, at walang pasabing hinalikan siya sa labi.

Napakurap siya ng tatlong beses habang nakatingin sa nakapikit na mata ng lalaki.

Unti-unting pumikit ang mata niya ng maramdamang gumalaw ang labi ng binata.

MUSICIOUS ACADEMY: Where Music Is Not Allowed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon