CHAPTER 15:

1K 25 7
                                    

Pagpapatuloy...

DANNICA LAZARDE POV:)

* / / / / /

"Papa, bakit apelyido naming gamit ni Ate ay hindi sayo at bakit kay Mama?" tanong ko sa Papa ko habang nakaupo ako sa hita nito.

Nasa balkonahe kami ng bahay habang pinapanood si Ate na nakikipaglaro sa Aso naming Husky ang lahi. Drew ang binigay na pangalan ko dito sa aso namin. Nasa kusina lang si Mama habang nagpe-prepare ng hapunan namin nila Papa.

"Basta anak. Malalaman mo nalang sa tamang panahon. Sana anak wag kang mabibigla pag malaman mo ang lahat tungkol sa amin ng mama mo." bahagyang may kakaiba ang meaning na sabi ni Papa.

Siyam na taong palang ako at kahit ganun may naiintindihan ako sa ibig sabihin ni Papa. Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Papa kahit alam ko parang may laman iyon.

"Papa, may natatandaan ako niyon. Isang lalaki na guwapo po pumunta sa bahay natin nung umaga. Di ko kilala at di ko masyado makita ang mukha kasi nakatalikod pero parang nag-aaway sila ni Mama. Di ko alam kung bakit." sumbong ko kay Papa habang tiningnan ko siya.

Nakita kong napatingin sakin si Papa at bahagyang kumunot ang noo niya.

"Narinig mo ba pinag-uusapan nila?" tanong nito sakin na parang naging agresibo ang tono ng pananalita nito.

"Hindi po masyado pero pilit niyang niyayakap si Mama at parang nagmamakaawa yung lalaki. Ewan po! Basta umiiyak yung lalaki." kwento ko pa rin kay Papa.

Binuhat ako ni Papa at pinatayo ako nito. Pinaharap ako sa kanya at inayos ang damit kong gusot. Tinitigan niya ako sa mata habang hawak niya ang magkabilang braso ko.

"Anak, lagi mong tatandaan, pag nalaman mo na ang lahat, isipin mo lagi na minahal kita na totoong anak." makahulugang pahayag ni Papa.

"Ah?" sambit ko lang at bahagyang di naintindihan ang sinasabi ni Papa.

"Mahal na mahal ko kayo ng Ate mo. Tinuring ko kayong parang isang anak. Makikilala nyo rin kung sino ang tunay na dapat nasa posisyon ko ngayon." nakakalito pa ring saad ni Papa. Di nalang ako umimik. Kiniss ako ni Papa noo sabay yakap ng mahigpit.

Niyakap ko rin si Papa ng mahigpit.

"Kung ano man sinasabi nyo papa, mahal na mahal ko pa rin kayo kahit anong mangyari." sabi ko kay Papa habang yakap ako.

Doon na nga dumating si Mama dala ang meryenda namin.

"Nandito na ang meryenda natin." sabi ni Mama.

Doon na bumitaw sa pagkakayakap sakin si Papa at tumayo ito sa kinauupuan. Tumakbo agad si Ate papunta sa balkonahe at manghang nakita namin ang niluto ni Mama.

"Wow! Turon!!!" sambit namin ni Ate.

Kumuha kami agad halos nag-agawan kami ni Ate.

"Hinay-hinay lang anak. Di kayo mauubusan nyan. Marami pa ko niluto nyan." natatawang sabi ni Mama samin.

"Sige. Kain lang kayo. Bukas na bukas pupunta tayo ng...Enchanted Kingdom!!!" sabi ni Papa.

"Yehey!!!" tuwang-tuwa na nagtatalon kami ni Ate sa saya.

"Oh sya! Kainin nyo na yan. Kukuha muna ako ng juice." sabi ni Mama at tumayo at dumeretsyo agad sa kusina.

"Diyan muna kayo anak ah?" paalam ni Papa at tumayo rin at sinundan si Mama sa kusina.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon