CHAPTER 17:

967 16 0
                                    

Pagpapatuloy...

DANNICA LAZARDE POV:)

Slow motion na nasalo ako ng lalaking misteryoso halos kumapit ako agad sa balikat nito sabay pinulupot ang kamay sa leeg nito. Slow motion na nagkatitigan kami ng lalaki. Kunting distansya nalang maghahalikan na kami dahil sa lapit ng mukha niya sakin.

Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa aking mukha. Amoy ko ang pabango niya na parang pamilyar na pamilyar sakin ang amoy. Ang mata ng lalaki na parang matagal ko nang nakita ng malapitan. Ewan! Mukhang parang pamilyar lahat iyon.

Nagkatitigan lang kaming dalawa at namamasdan ko ang buo niyang mukha. Na-realize ko na si Sir Don pala ito. Ang guwapo rin pala niya malapitan.

"Sir D-don." gulat pa rin na sambit ko sa pangalan dito.

Ano ginagawa niya dito? Bakit di siya makisabay sa salo-salo namin?

Umayos agad kami ng tayo. Inayos ko ang damit ko at inayos rin ni Sir Don ang kwelyo ng damit niya. Di ko alam nakaramdam ako ng hiya. Nagi-guilty ako kasi yung Prof ko di ko napapansin. Nandito tuloy siya sa kusina. Siguro nao-OP siya saka di namin siya ka-level. Guro namin siya at estudyante kami. Nakaka-awkward naman kasi na kasama namin sa kakulitan si Sir Don.

"Pag di mo pa kaya, wag mo na pilitin pa. Baka mapanu ka pa." halatang concern na sabi ni Sir Don sakin pero ramdam ko sa boses nito ang pagka-cold.

"Sorry po." bahagyang nahiya na sabi ko. Dapat talaga di ko na pinilit. Naku! Napagalitan tuloy ako ni Sir Don.

"Ano ba kukunin mo?" cold pa rin na tanong nito. Wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. Siguro, suplado itong guro namin? Di ko din kasi maalala si Sir Don. Kainis kasing amnesia na ito!

Inalalayan naman niya ako maupo sa upuan. Pagkaupo ko sinagot ko na sya sa tanong niya.

"Kukuha sana ng pagkain kasi wala nang pagkain doon sa labas." mahinahong sagot ko.

"Dapat nagpakuha ka nalang kahit kila Dave o Charlie. Kung ikaw pa baka mapanu ka pa. Di ka pa masyadong ok." halatang concern na sabi ni Sir."Ako na kukuha ng pagkain. Maupo ka muna at ako na magdadala nito doon." prisinta nito.

"Ok po." mahinhin pa rin na payag ko.

Kumuha nga ng pagkain si Sir Don. Pinagmamasdan ko lang ito na kumukuha sa isang kaldero ng ulam. Kita ko sa mukha nito pagka-seryoso. Kailan ko ba siya nakitang ngumiti? Siguro di ito palangiti at ang sungit nitong guro namin? Siguro nga!

Tanungin ko nalang sila Sorim. Atleast alam niyon lahat kesa ako nawala ibang alaala ko. Sila makakapagsabi sakin kung sino at ano personalidad ni Sir Don.

Tama nga! Pero siguro naman ata na close na close ko ito si Sir Don nung di pa ko nagkaka-amnesia. Nandito nga siya ee. Siguro ako yung makulit niyang estudyante? Baka nga!

"Sir, pasensya na kung di ko po kayo naaalala. Pero salamat po sa concern nyo sakin. Siguro nung wala pa kong amnesia, ang bait nyo ata sa amin pero ang sungit nyo ata. Ok lang iyon kung  masungit ka halata naman. Kahit may ugali kang demonyo pero---" di ko na napatuloy sasabihin ko nang nilagay sa mesa ni Sir Don yung kinuha niyang Adobo na nasa tasang malaki.

Tinitigan ako nito ng seryoso. Naitikom ko naman agad ang bibig ko kasi nakakakot ang tingin niya.

Mali yung sinabi ko! Ang tanga ko! Hayysst!

"I mean, ang bait nyo pong guro at guwapo pa. Yun ibig kong sabihin, Sir. Hehehe." rason ko agad."Lintik kang bata ka! Di kana makakapagrason pa kasi nasabi mo na. Tanga mo! Mukhang galit tuloy sayo si Sir Don. Hayyssst!" sa loob-loob ko at pinapagalitan ang sarili ko.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon