CHAPTER 3:

1.4K 28 2
                                    

Pagpapatuloy...

MAUREEN EVANGELISTA POV:)

Nasa school Garden kami ng isang Unibersidad ni Dan. Mag-uusap kami dito. Naglalakad kami habang nag-uusap.

"Kamusta kana? Namamayat ka? Ano ba ginagawa mo doon sa State? Bakit grabe ang pinayat mo ngayon." sunod-sunod na turan ni Dan.

Humarap ako dito para mahinto ito sa paglalakad.

"Nag-aral ako. Isa na ko ngayong Nutritionist." tipid na sagot ko lang dito."Ok lang ako. Ok na ok lang." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganun." sabi ni Dan at mukhang awkward pa rin kami pareho.

"Hmm ikaw? Kamusta kana? Lalo ka gumuwapo ah? May nahanap kana ba ng iba?" sabi ko dito at bahagyang ngumiti.

Inaamin ko, mahal ko pa siya pero di ko siya pwedeng mahalin. Alam ko galit pa rin siya sa akin sa lahat na ginawa ko sa kanya noon.

Matagal ito makasagot. Tumingin ito sa unahan at parang nag-iisip.

"Oo, meron na ako." sagot nito maya-maya.

Napayuko ako ako sa sagot nito."Ganun ba?" di ko pinapahalata na nalungkot ako. Humarap din ako at tinanaw yung Fountain."Mabuti naman dahil naka-move on kana." sabi ko.

"Matagal ko siya hinintay..." turan ni Dan maya-maya."Di ko na siya papakawalan ngayon dahil nandito na siya. Katabi ko na siya..." makahulugang turan nito.

Dahan-dahan napatingin ako dito. Nakita kong nakatingin rin siya sakin.

Yung puso ko, lakas makatibok. Di ko alam parag huminto ang paligid ko. Wala ako naririnig na ingay sa paligid ko kundi ang tibok ng puso ko.

"Mahal ko pa ba si Dan?"  tanong ko sa isip ko.

* * * dug.dug.dug * * *

Babasehin ko ang tibok ng puso ko sa tanong ko iyon....

* * * FLASHBACKS * * *

"Ikaw Miss Evangelists, kailan ka titino?! Matalino ka sa English pero sa Math hindi? Ang laki-laki mo na! Magse-senior kana, di ka pa rin marunong?!!"

Sino pa ba yan? Ee di si Sir. Sermon na naman natamo ko. Ee di ko kasalanan na mahina ako sa Math. Wala sa art ko mag-solve ng mga Math problems. Mas mabuti pang manood ng mga Kdrama, inlove ka pa, masaya ka pa. 😁

"Sorry, Sir." sabi ko nalang kay sir Panot na mababa. Parang kasing height ko lang itong teacher ko ee. Feeling ko mas mataas pa height ko sa kanya. Jk. Hahaha! 😂

"Tsk! Mr. Cervante! Turuan mo nga sa Math yang si Ms. Evangelista! Grade 10 na, di pa rin marunong sa math." baling nito sa matalino naming kaklase sa Math.

Napatingin naman ako sa likod. Nakita kong nagliligpit na ito ng gamit ito. Nagsiuwian na mga kaklase namin.

Lahat ng kaklase ko, close ko na. Siya lang hindi. Ang cold kasi niya saka di siya palahimik. Parang may sariling mundo din siya.

Tumayo ito sa pagkakaupo at tumingin sa amin.

"Ok po, Sir." cold pa rin na turan nito. Kahit boses, ganun din. Nakaka-creepy yung boses niya.

"Ok! Simulan mong turuan si Ms. Evangelista bukas na bukas. Pag di ito nagtitino, sabihin mp sakin. Ipapatawag ko na magulang nito." sabi naman ni Sir.

"Waahh! Sir naman. Wag naman. Wag mo ipapaabot 'to kay Mama. Please?!" sabi ko kay Sir na bahagyang naalerto ako sa sinabi nito.

Lagi na nga nag-aaway sa bahay sila Mama at Papa, pati ba naman ako dadagdag pa. Hayyy! Ayaw ko mag-away sila lalo dahil sakin.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon