CHAPTER 4:

1.3K 19 3
                                    

Pagpapatuloy....

MAUREEN EVANGELISTA POV:)

* * * CONTINUATION * * *

"Aliza, andyan pa ba yung lalaki doon sa pinakagilid na nakaupo?" tanong ko dito habang may dalang tray at kakatapos lang nito ibigay yung order sa isang customer.

"Alin? Yung poging lalaki doon?" sabi nito.

Tumango ako."Yung malaki ang katawan, matangos ang ilong, maputi, may pagkakasingkit ang mata, kissable lips tapos----" di ko napatuloy sasabihin ko na si Aliza na yung nagsalita.

"Parang inuubos mo na katangian ng isang guwapong lalaki ee. Oo na! Guwapo talaga yun. Andun pa rin. Bakit? Syota mo?" takang tanong nito.

"Hala! Di ah!" tanggi ko agad.

"Weehh? Aminin! Bakit? Crush mo yung customer natin doon nu? Yuy!" pang-aasar niya sakin halos kinikiliti pa niya ako sa tagiliran.

"Ano ba?!" pabulyaw na sabi ko at umiwas na ito."Oh sya! Balik na tayo sa trabaho." sabi ko dito para mahinto na yung topic na ito.

Nagsibalik naman kami sa kanya-kanyang trabaho namin.

Mag-aalas 10 na ng gabi at close na namin ngayon. Nagbihis na ako ng damit ko at pagkatapos lumabas na ako. Sumilip muna ako at hinanap si Dan. Napahinga nalang ako ng maluwag kasi wala na siya.

Saka na ako lumabas sa pinagtataguan ko. Nagpaalam na ako sa Boss namin at sa mga katrabaho ko pati na kay Aliza. Paglabas ko ng Restaurant, napaatras ako nang makita si...

Nakatalikod ito habang nasa isang bulsa yung kamay nito. Dahan-dahan ito humarap at parang nasa korean drama, slow motion yung paglingon niya sakin at pagtama ng mga mata namin. Yung puso ko, nagtatalon na naman sa kilig.

Inayos ko yung sarili ko. Tumikhim muna ako bago naglakad papunta dito.

"Bakit nandito ka pa? Dapat di mo na ko hinintay." sabi ko dito agad.

"Naglalakad ka ba pauwi?" imbes tanong nito sakin.

"Oo." bahagyang napakunot-noo na sagot ko.

"Gusto mo ihatid na kita sainyo?" prisinta nito.

"No need na. Kaya ko maglakad. Umuwi kana sainyo baka hinahanap kana ng Papa mo." tanggi ko dito. Di naman ako yung taong mapag-abuso nu. Ibang abuso naman. Yung masyadong kina-career porket mayaman yung taong iyon.

Naglakad na ako para umuwi. Napatingin ako sa gilid ko nang makitang sinasabayan ako sa paglakad ni Dan. Nagulat ako kasi mukhang sasama siya sakin pauwi. Malala pa, naglalakad siya tulad ko.

"Uy! Saan ka pupunta?!" takang tanong ko dito.

"Syempre, ihahatid ka." cold na sagot nito habang nakatingin lang sa unahan habang nasa mga bulsa ang kamay nito.

"Wag na! Umuwi kana! Maraming mga loko dito pag gabi." pagpapauwi ko dito.

"Di ko naman hahayaang mag-isa kang uuwi sainyo. Kaw na may sabi madaming loko dito. Di ko hahayaang mapahamak ka." turan nito.

Namumulang napatingin ako dito. Tumingin naman ito sakin. Lalong namula ako sa kaguwapuhan niya.

Shit! I need abs---isteh I need air. 😍

"Hmmm...." yan nasaad ko lang. Magsasalita ulit ako pero di ko na tinuloy. Alam ko naman talo na naman ako nito.

Kaya hinayaan kong hatidin niya ako palagi.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon