CHAPTER 12:

1K 23 7
                                    

Pagpapatuloy...

MICHAEL DON CERVANTE POV:)

Sabay kami napalingon ni Jannica sa may pintuan nang marinig na may pumasok sa loob. Nanlaki mata ako nang makita ang bisita, walang iba si...

May isang babae na pumasok na di ko kilala. Pero kita ko sa mukha ni Don na pagkagulat.

"Ano ginagawa mo dito?" kunot-noo tanong ni Don sa babae.

Ngumiti lang ng pilya sakin si Joy. Maya-maya bumaling na ito kay Jannica at ngumiti ng napakalaki dito.

Ano ginagawa niya dito?

"Hello po. Kayo po ba ang kapatid ni Dannica?" panimulang tanong ni Joy kay Jannica.

"Oo, ako nga. Sino sila?" tanong naman nito dito.

Di ko maiwasang manlaki mata kay Joy. Ang ngiti niya na nagpapa-insulto sakin. Di ko alam bakit siya nandito. Ano kailangan niya dito?

"Ako po pala si Joy. Kaklase ng kapatid nyo at...fiance po ako ni Don." pagpapakilala nito sa sarili.

Nanlalaki mata nalang ako sa sinabi ni Joy. Nanlalaki rin sa gulat na napatingin sakin si Jannica. Di pa pala niya alam na may pinagkakasundo sakin.

Ewan ko parang kinabahan na ako sa iisipin ni Jannica. Siguro itutuloy niyang paghiwalayin kaming dalawa dahil sa nalaman niya ngayon na may fiance na pala ako.

"Fiance?" mahinang takang tanong ni Jannica sakin.

Magsasalita sana ako para magpaliwanag agad nang sumulpot si Joy.

"Yes, fiance po ako ni Don." sabi nito sabay lapit sa kinaroroonan ko at hinawakan niya ang braso ko. Parang magkahawak kamay tuloy kami sa ginawa niya.

Aalisin ko sana ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya kaso pinilit niyang wag alisin ang kamay ko sa kanya. Palihim na tinitigan niya ako sa mata at sinesenyasan na huwag ko aalisin ang kamay ko sa kanya.

Wala akong magawa kaya binayaan nalang siya sa mga gusto niyang gawin.

"Di pa rin po ba nagigising si Dannica?" tanong pa rin ni Joy sabay tingin kay Dannica na nakahiga pa rin at wala pa ring malay."Kakaawa naman siya. Magigising pa kaya siya? Nakakatakot pala ma-coma lalo na't di mo alam ano na nangyayari sa paligid mo nung tulog ka pa." boses na halatang nang-iinsulto na pahayag pa rin nito.

Nakatingin lang si Jannica sa amin at di maipinta ang ekspresyon sa mukha niya. Alam ko nabigla siya sa nalaman niya ngayon.

"Anyway, ano po pala pangalan nyo ate? Gusto ko malaman yung mga kakilala ni Dannica." tanong nito kay Jannica.

"Jannica." tipid na mahinang sabi naman nito dito.

"Ow! Magkasing tunog kayo ng pangalan ng kapatid nyo!" nakangiting saad nito."Baka kasing landi ka rin ng kapatid mo..." bulong nito sa sarili. Narinig ko iyon dahil malapit ako sa kanya.

"Ano sabi mo?" napakunot-noo tanong ni Jannica dahil di narinig.

"Hahaha wala po! Alis na po ako. Nandito po ako para kunin ang fiance ko. Aalagaan ko po siya at di pa siya ok po ee." pamamaalam na agad ni Joy dito."Bye po, Ate Jannica." nakangiting parang kontra-bida sabi pa nito.

Bago siya tumalikod, tiningnan niya ng masama pa si Dannica na naka-confine sa kama.

Dahil nagalit ako sa ginawa niya ngayon at sa tingin niya sa mahal ko, hinila ko na siya palabas ng kuwarto.

"Alis na tayo." madiin na mahinang sabi ko dito.

Nagpahila naman ito.

Di pa nag-iisang minuto, nasa kuwarto na ako kung saan ako naka-confine noon. Pagalit na tinulak ko siya paloob doon halos nasaktan siya sa ginawa ko.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon