CHAPTER 21:

812 24 2
                                    

Pagpapatuloy...

MARGAUX SAMANTHA SANCHEZ POV:)

Nandito kami sa **** Resort ng boyfriend kong si John Jacob Wang. Nagbabakasyon lang kaming dalawa. Nandito kami, nanonood ng show ng isang magician dito sa Beach Resort. Namamangha ako sa galing ng majikerong ito dahil ang galing niyang mag-magic halos mga tao ata dito sa Beach nandito, nanonood rin.

"Ang galing..." sabi ko sa boyfriend ko habang magka-holding hands kami.

"Sus! Mas magaling ako dyan." halatang nagselos turan nito.

"Bakit? Marunong ka bang mag-magic?" natatawang tanong ko dito.

"Oo pero sa susunod pa. Not now but soon." sabi nito sabay labas ang pilyong ngiti niya.

Natawa naman ako."Haha ulol!" sabi ko sa kanya sabay takpan ang mukha niya gamit ang isang kamay ko.

Hinawakan nalang nito ang kamay ko na nasa mukha niya at pinaikot niya iyon sa braso niya. Parang nakayakap na ako sa braso niya.

Sumandig nalang ako sa balikat nito at hinalikan nito ang aking ulo.

Masayang nanood ulit kami nang sumagi nalang sa mata ko ang isang pamilyar sakin. Nakatayo ito kasama ang tao ring kilala ko. Nanonood rin ito at parang walang nangyari sa taong iyon.

"Si Dannica iyon ah? Gising na ba siya?" saad ko nalang halos napaangat ako ng ulo.

Nakita kong napatingin sakin si King. Di ko alam parang aalis na silang dalawa ni Dannica. Niyayaya na niya itong umalis rito.

"Bakit, Honey?" takang tanong ni John Jacob sakin.

"Honey, nakita ko lang yung dalawang estudyante ko." sabi ko."Wait, tatawagan ko muna, Honey yung bestfriend ko. Wait." excuse ko dito.

"Ok." payag nito.

Umalis na kami sa lugar na iyon. Pumunta kami sa lugar na wala nang masyadong ingay. Doon ko na nga tinawagan si Don. Di naman nagtagal, sinagot naman niya iyon.

"Hello?" boses ni Don.

"Don, wala na ba kayo ni Dannica?" tanong ko agad dito.

Di na kasi ako updated kasi mula nang magbakasyon ako dito kasama ang boyfriend ko. Kaya wala na akong masyadong balita kung gising na ba si Dannica o tulog pa.

Matagal nakasagot si Don na halatang nagtaka ito sa sinabi ko.

"I mean, gising na ba si Dannica?" ulit at pagtatama ko.

"Oo. Nung isang araw pa. Bakit?" sagot at balik tanong nito sakin habang nasa kabilang linya ito.

"Nandito siya. Nandito silang dalawa." prangka ko agad.

"Anong nandito siya?" takang tanong naman ni Don.

"Nandito si Dannica kasama si King. Nandito sila sa Resort na pinagbabakasyunan namin ng boyfriend ko." amin ko.

Alam kong nagulat si Don sa sinabi ko. Alam kong kinakabahan na iyon. Di ko alam kung bakit ganun nalang ang pagtatahimik niya pero alam kong may rason bakit ganyan nalang siyang magulat na malaman na nandito si King at Dannica.

Napangiti nalang ako.

Mahal talaga ng guwapo kong bestfriend si Dannica. Ang sweet naman.

"Don? Hello? Andyan ka pa ba? Hello?" sabi ko kasi di na nagsasalita si Don sa kabilang linya.

"Sige. Salamat." sabi nalang nito sabay patay ng cellphone.

Binaba ko ang cp ko at tinitingnan ang cp ko na wala na sa kabilang linya si Don. Saka naman sakin lumapit si John Jacob.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon