CHAPTER 27:

432 10 4
                                    

Pagpapatuloy...

DANNICA LAZARDE POV:)

"Dannica, may gusto ka ba kay King?" tanong sakin ni Charlie ng masinsinan nang kami lang dalawa natira sa table.

Di ko alam saan nagsipunta yung mga kasama namin. Si Sorim lumabas, bibili daw sya ng junkfoods kasama si Kyle. Yun kasi hanap namin. Pulutan namin dito chicharon lang. Saka si Dave saka Beatriz di ko alam saan na yun nagsipunta pero babalik din Naman daw sila. Si King? Ayun, sa kabilang table. May kakilala kasi siya dito na nasa Bar din. Kausap nya ngayon.

"Bakit?" tanong ko naman dito.

"Wala." sagot nito sabay inom ng alak na nasa baso."May balak ka bang sagutin siya?" tanong parin nito sakin.

Bakas sa mukha nito ang pagkaaseryoso sa tanong niya.

"Di ko naman sya papayaga  manligaw sakin kung wala naman akong balak na sagutin sya." sagot ko pagkatapos kumain ng chicharon.

"So meaning, gusto mo nga sya." sabi nito. Kumuha ito ng chicharon. Bago paman niya kainin yun, tiningnan muna niya ako."Pero seryoso, Dannica..." Nagbago kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso siya."Wala ka bang balak alalahanin ang nawala mong memorya? Wala ka bang balak balikan yung taong mahal mo noon?"

Matagal nag-sink iyon sa utak ko at pilit iniintindi ang sinabi ni Charlie. Di ko alam parang may gusto siyang ipaalam sakin.

"Charlie, a-anong s-sabi mo---"

"Hey!" Sumulpot nalang sa likuran ko si King. Nahinto naman pag-uusap namin ni Charlie. Naupo si King sa tabi ko."Mukhang masinsinan pag-uusap nyo ah? Share naman dyan." nakangiting sabi nito.

Tumikhim lang si Charlie. Naupo siya sa pagkakaupo pagkatapos lumagok siya ng alak.

"King, asan na sila Kyle at Dave?" tanong ko nalang dito. Wala naman kami masyado pinag-usapan ni Charlie. No need ko na sabihin sa kanya kasi di ko nga naintindihan sinasabi ni Charlie.

"Andyan na sila." sabi nito na saktong andyan na sila.

"Ano na? Inuman na?" nakangiting yaya na ni Kyle habang nakahawak ito sa mgkabilang braso ni King at Charlie.

"Baka pwede din kami makiinom ng alak nyo." sulpot ni Beatriz nang naupo na ito ng upuan.

"Bawal kayo, girls. Wine lang sainyo." sabi ni King samin.

"Ayy..." malungkot na sabi ni Sorim saka Beatriz.

"Mukhang gusto ko pa naman maglasing ngayon." pagpaparinig ni Sorim nang naupo na ito kasabay sila Kyle at Dave.

"Ako na mauuna." si Beatriz.

Nagulat naman ang mga boys na lumagok na ito ng beer halos sa bote na ito uminom niyon.

"Hoy!" si Kyle saka dali-dali kinuha ang alak pero madali naman iyon nabawi ni Beatriz.

"Mind your own business." malditang sabi nito sa step-brother niya.

"Ok, bahala ka. Mag-isa ka umuwi ng bahay pag lasing ka. Tss." galit na sabi ni Kyle.

Uminom na nga ang mga boys kasabay si Beatriz. Samantala kami ni Sorim wine lang pinapainom. Nakakainggit sila ee. Sana all nga.

Tapos na nga kumanta yung nag volunteer nang tumawag pa ito ng magkakanta.

"Sino pa gusto magbahagi ng talento nila?" sabi ng komedyanteng babae.

"Sino pa?" sabi ng partner nitong baklang komedyante rin."Ayun, si Mr. Pogi!" Sabi nito nang may tumaas ng kamay.

Lumapit naman ang lalaki na nasa stage. Nanatiling nakatingin lang ako sa basong naglalaman ng wine nang niyugyog ni Sorim ang kamay ko.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon