CHAPTER 30:

231 11 1
                                    

Pagpapatuloy...

SORIM REYES POV:)

"Sissy!" tawag ko kay Dannica na umalis na agad naman sinundan siya ni Don.

Tatayo sana ako para sundan si Sissy nang nagulat ako na may humawak sa aking siko para pigilan. Takang napatingin ako dito at nakita kong si Dave iyon.

Umiling-iling sya na ibig sabihin ay wag susundan at pabayaan sila. Sabagay para masolo na ni Don si Dannica habang wala si King. Dahil mula nang nawalan ng amnesia si Dannica, unti-unting nagbago si  King. Tila nagbago ang ihip ng hangin na parang gusto niya ulit ipaglaban ang pagmamahal dito. Noon, nagparaya siya pero ngayon, nagbago ata isip niya.

Nanatili lang akong nakatingin dito. Umaasa na yayain niya akong makapag-usap kami at pag-usapan ang relasyon naming di ko alam paano nahantong ang lahat na ito. Di ko alam kung break na ba kami o meron pa. Basta ang tanga ko. Nagpadala ako sa damdamin. Kung di sana ako nag-emote e di sana nag-uusap parin kami ngayon.

Nang masaksihan ni Kyle ang lahat na iyon  palihim na napatiim-bagang siya. Tinawag niya ako para mapigil ang weird na nangyayari samin ngayon ni Dave.

"Sorim."

Napatingin naman ako kay Kyle. Dali-dali naman ako binitawan ni Dave sa pagkakahawak sa siko.

"Bakit, Kyle?" tanong ko kaagad dito na halatang nataranta.

Abala ang mga kaibigan namin sa pagkakanta.

"Tara! Swimming tayo. Doon tayo sa may slide." Yaya niya sakin.

"S-sige." medyo di payag pero pumayag na lamang ako.

Umalis na nga kami. Hakbay ako ni Kyle nang umalis kami sa cottage. Palihim na lumingon pa ko Kay Dave pero nakita kong lumapit sa kanya si Beatriz habang kumakanta at sumayag-sayaw ito sa harapan pati likuran nito. Nakangiti si Dave dito habang hawak ang baywang nito.

Malungkot na humarap na ko sa unahan. Di ko kakayanin na makita siya na may kasamang iba. At mas lalong di ko kayang makita na masaya sya sa iba. Parang tinutusok ng mga karayom ang puso ko pag nakikita ko silang ganun ni Beatriz.

Palihim ma tumingin rin sa kinaroroonan ko si Dave. Malungkot ang mukha habang nakatingin sa amin ni Kyle na magkasama na papalayo sa kinaroroonan nila.

JAKE CASTILLO POV:)

"Kamusta kana?" tanong ni Lyka sa akin.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Isang araw pa nya ko kinukulit na makipagkita sa kanya dahil gusto niya akong makausap tungkol sa kanyang kaibigan. Sabihin na natin na ex ko, si Jannica.

"Ok lang." tipid kong sagot.

"Parang nangangayayat ka, Jake. Saka parang ilang araw ka di natulog." sabi nito.

"Busy kasi ako sa company namin." sagot ko nang di tumitingin dito at uminom ng juice.

"Busy sa work o baka naman dahil nagbreak kayo ni Sissy?" tanong nito. Natamaan naman ako sa huling sinabi nito.

"Hindi." suplado pa ring sagot ko at uminom ulit ng juice. Saka naman nag-ring ang cp ko na nakalapag sa lamesa namin.

Nakita kong si Jannica na naman ang tumatawag. Nakita naman iyon ni Lyka. Pinatay ko naman kaagad ang tawag niya. Nilagay ko nalang ang cp sa bulsa.

"Kailan mo ba di kakausapin si Jannica?" tanong nito.

"Saka ko na sya kakausapin pag naka-move on na sya sakin." matigas pa rin na sagot ko at tumingin na naman sa ibang deriksyon.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon