CHAPTER 2:

1.7K 33 0
                                    

Pagpapatuloy...

KYLE HARVIS POV:)

Lumabas ako ng room para puntahan si Dave. Gusto ko maglaban kaming dalawa sa pamamagitan ng paglaro ng basketball.

Pag sino manalo, siya ang karapat-dapat manligaw kay Sorim. Kung sino talo samin, siya na ang magpaparaya.

Naalala ko yung kahapon ano kinagagalit ko. Ang agawin sakin ni Dave ang taong gusto ko.

* * * FLASHBACKS * * *

Nang malaman kong sinaktan ni Joy si Sorim, dali-dali naman ako tumungo ng room para puntahan siya. Di pa ko nakakarating ng room, nakita ko na si Dave at Sorim palabas ng room. Hila ito ni Dave parang dadalhin niya ito sa school clinic.

Naikuyom ko nalang ang kamay ko dahil naunahan na naman ako. Lagi nalang nandodoon si Dave kada gusto ko puntahan si Sorim. Gusto niya sakin agawin si Sorim.

Naisipan kong sundan sila. Di ko alam sino nagtulak sakin na sundan silang dalawa.

Pagkapasok nila ng school clinic, pumasok din ako. Nasa kabilang bed sila at nasa kabilang bed rin ako. Di nila ako nakikita dahil may natatakpan na tela sa pagitan namin.

"Dave, alis na tayo. Wala naman dito yung school nurse natin." boses ni Sorim.

Kahit may natatakpan na kurtina pero nakikita ko sila sa may salamin. May salamin kasi sa ding-ding at kitang-kita ko ano ginagawa nila.

"Hintayin natin yung school nurse. Kailangan natin gamutin agad yang sugat mo sa pisngi. Ang haba pala ng kuko ni Joy ah? Para siyang pusa sa ginawa niya sayo." sabi ni Dave.

Nakaupo si Sorim sa side ng kama habang nakatayo naman si Dave.

"Pinagbibintangan kasi niya si Sissy na si Sissy yung humampas sa kanya isang araw. Makapagbintang siya kala mo totoo yun. Wala naman siya ibendensya ee." naka-pout na turan ni Sorim.

"Kunti nalang talaga, pag nainis pa ako sa ugali ng babaeng iyon, kakalimutan kong babae siya. Lagi ka nalang niya sinasaktan." turan ni Dave.

"Hehehe. Kasalanan ko naman. Ako lagi nakikita niya. Sana may Invisible Power ako para di niya ako lagi nakikita." sabi nito habang nakangiti.

"Tsk!" sambit lang ni Dave."Patingin niya nang kinamrot ni Joy."

Hinawakan ni Dave ang kabilang pisngi ni Sorim kung saan nandodoon yung sugat na natamo ni Sorim. Tahimik na nanonood lang ako sa kanila sa salamin.

Hinaplos ni Dave yung sugat ni Sorim gamit ang hinlalaki niya kaya napa-araw si Sorim.

"Aray!" sambit nito.

"Ay! Sorry!" natawa na hinging patawad ni Dave."Sorry. Ihipan ko." sabi nito.

Hinihipan naman iyon ni Dave. Nakikita kong bahagyang natigilan si Sorim sa ginawa ni Dave. Ang lapit ng lips nito sa kanyang mukha. Halos natulala na ito dito.

Napansin din ni Dave na nakatingin sa kanya si Sorim. Bahagyang natigilan sa pag-ihip si Dave at nag-eyes-to-eyes sila ni Sorim. May kakaiba sa tinginan nila na nagpakirot naman ng puso ko.

Ewan. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang kirot nito. Ang sakit na makita ang taong mahal mo na may kasamang iba. Lalo na ang titig niya sa lalaking iyon ang mas lalong nagpakirot nito. Kailanman, di siya ganyan makatingin sakin. Kakaiba ang tingin niya na parang naaakit siya.

Napapikit nalang ako sabay sa pagpatak ng luha sa mga mata ko. Ito yung mas masakit at mas nagpakirot ng puso ko nang makitang hinalikan sa mga labi ni Dave si Sorim. Di ko alam, napatayo na ako sa kinauupuan at walang ingay na lumabas ako ng pintuan. Paglabas ko, panay tulo naman ng luha sa aking mga mata.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon