CHAPTER 23:

858 16 16
                                    

Pagpapatuloy...

LYKA VILLALUNA POV:)

Kakatapos ko lang tingnan yung pasyente kung ok na ba siya o hindi pa, paglabas ko nang kuwartong iyon, tiningnan ko sa relo ko kung anong oras na. Nanlaki mata nalang ako nang makitang alas 3 na pala ng hapon. Magla-lunch sana kami ngayon ee kaso---

"Naku! Baka naghihintay na siya sa canteen?!" gulat na turan ko.

Dali-dali na tumakbo ako para pumunta sa canteen pero pagdating ko doon, wala na siya. Siguro umalis na siya kanina at kakatapos lang niya kumain. Baka may surgery siya ngayon.

Naisipan kong wag na muna ako mag-lunch kasi mukhang nawalan ako ng gana saka di ko ramdam na gutom ako.

Bumalik nalang ako sa kung saan tambayan ko. Pumunta ako sa garden. Tutal naman, tapos na yunh pinapagawa sakin ng Senior ko kaya papahinga na muna ako ngayon.

Di pa ko nakakalabas ng exit ng hospital para pumunta ng garden nang napatigil ako sa paglakad nang iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Angelo na nakatayo at nakatingin ng seryoso sa mga mata ko.

Maya-maya pa may inilabas ito sa likod niya at tumampad sa mukha ko ang kakabili lang niya sa Jollibee. Nasa plastic bag pa ito at binibigay niya iyon sakin.

Ewan ko, feeling ko may kakaibang slow motion sa pangyayaring iyon. Yung puso ko di ko maintindihan sa nararamdaman ko. I feel, something in my heart na di ko alam na kung ano iyon.

"Tara! Lunch na tayo nito." cold na sabi nito.

Nanatiling nakatingin lang ako dito.

* / / / / /

"Ba't di ka pa kumain kanina? Dapat kumain kana at di mo na ko hinintay. Makaka-ulcer ka nyan." sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa isang bench dito sa garden at may lamesa na rin dito.

May mga ibang pasyente at nurse rin na nandito sa garden. Kaya di nakaka-akward ang sabay naming pagkain ni Angelo.

"Sanay na ako saka immune itong katawan ko. Di ako basta tatamaan ng anumang sakit." sagot nito habang nilalabas na niya yung binili niya sa jollibee sa plastic bag.

"Alam mo, mayabang ka rin nu? Tss." sabi ko at napangiti na rin sa kahanginan nito.

"Kumain ka nalang. Di ka pa kumakain baka ikaw ang ulcer-in sating dalawa." sabi nito sabay bukas at binigay yung pagkain na may kanin at Chicken Joy.

"Yabang!" sabi ko nalang at kumain na nga kami.

"Kamusta naman sa Europe? Bakit ka nag-resign? Ang ganda pa naman ng trabaho mo. Taas ng sweldo ng Nurse doon. Bakit ka bumalik dito sa pinas at pinili mong magtrabaho nalang dito?" sunod na sunod na tanong nito.

"Basta! Mahabang kwento." sabi ko sabay kagat ng manok. Ayaw ko sabihin sa kanya yung pagkakamaling nagyari noong isang gabi. Natatakot ako e.

Nakakainis nga lang, yung naka-on night stand ko ay anak pala ng nagmamay-ari ng hospital na ito. Ano na lang ba mangyayari sa buhay ko?  Paano kung magkita at makilala ako niyon? Tapos na buhay ko.

"Ahhh." sabi na lamang nito at kumain ulit.

"Ikaw? Paano ka naging Doctor agad? Ang bata mo pa para maging ganyan." sabi ko dito.

"Ako pa! Guwapong matalino kasi 'to." mayabang na sabi nito halos ngumiti pa siya ng buong yabang sa sarili.

"Luh! Parang tanga 'to? Hahaha!" react ko nalang.

Kumain kami ni Angelo na puro tawanan lang nangyari sa aming dalawa.

JANNICA LAZARDE POV:)

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon