CHAPTER 26:

356 10 3
                                    

Pagpapatuloy...

CHARLIE GOMEZ POV:)

"Totoo? Nasa clinic si King?" tanong ko sa dalawang nagchi-chismisan. Napadaan lang ako nang marinig ko yung pinag-uusapan nila..

"Oo." sagot ng dalawa.

"Kailan pa nangyari yung kaguluhan na yan?" tanong ko pa rin.

"Kanina pa po mga bandang alas tres po." sagot ng lalaking medyo kulot ang buhok.

"Nasa clinic na po si King. May sugat kasi syang natamo doon kay Carlo." sagot naman ng isang lalaking kalbo na nakasalamin pa. Carlo pala pangalan ang nakaaway ni King na Criminology.

"Ah sige, salamat." paalam ko kaagad.

Naglakad na akong papuntang clinic. Nahuli ako sa balita dahilan sa nakatulog ako sa rooftop. Nagising ako dahil sa narinig kong may mag syotang balak sanang mag-anuhan. Syempre dahil gago ako, tinakot ko silang dalawa. Ayon, tumakbo paalis sa rooftop. Tumawa na tumawa lang ako ng oras iyon.

Di pa ko nakakarating sa clinic nang makitang kakaliko lang ng ibang deriksyon sila Sorim at Dave. Mukhang partner sila. Kasama ni Dave si Beatriz at kasama naman ni Sorim si Kyle. Tila bang may namumuong kakaiba sa magpa-partner na iyon.

Di ko nalang sila tinawag, nagpatuloy lang ako sa pupuntahan ko. Di pa ko nakakalapit sa pintuan nang dumaan nalang si Sir Don na para bang galing doon sa clinic. Di ako nito nakita at patuloy lang ito sa paglalakad ng paalis.

Nakayuko pa ito habang matulin itong naglakad paalis. May nangyari kaya?

Nakita kong may dalawant dutchmill na nagkalat sa sahig. Takang kinuha ko naman iyon.

Pagkatayo ko nakita ko nalang sa loob si King na nakaupo sa kama habang nakaupo naman sa gilid ng kama si Dannica.

"A-ano sabi mo?" si King na halatang di naintindihan ang sinabi sa kanya ni Dannica.

"King k-kasi---" di napatuloy pa sasabihin sakin ni Dannica nang makita ako ni King halos napabulalas pa ito sa laking gulat na makita ako.

"Oh! Charlie."

Napalingon naman sa kinaroroonan ko si Charlie. Pumalit agad ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Ngumiti lamang sa akin.

"Ayos kana, tol?" Panimula ko.

"Oo, ok na ko. Total, paalis na rin kami dito ni Dannica." Sabi nito at bahagyang tiningnan si Dannica.

"Ah, o-oo. Paalis na kami." nautal na sagot naman ni Dannica at di nagpahalatang naiilang siya kay King.

Tiningnan ko ng mataman si Dannica. Nang nakita nitong nakatingin ako sa kanya, naiilang na umiwas siya ng tingin habang nakangiti ng plastic. Pilit siyang di nagpapahalata sakin dahil ang totoo narinig ko lahat ang pag-amin niya kay King.

Paano si Sir Don? Narinig rin ba iyon ni Sir Don? Sure akong narinig niya iyon. Umalis nga siya at galing siya dito. Sure na sure akong nasaktan iyon.

"Sige. Tara na." sagot ko maya-maya at una nang lumabas ang dalawa. Bago paman ako sumunod sa kanila, tiningnan ko muna sila."Bakit hindi nalang sabihin sayo ng lahat ang totoo? Bakit kailangan pang ibaon ang lahat ng memories mo para bumalik na ang alaala mo? Bakit kailangang pag lihiman ka ng totoo mong buhay? Bakit ganun?" Sa loob-loob ko.

Professor Don (Forgotten Memories With Him) #Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon