CHAPTER 5: The Basketball Trial

62.7K 1.5K 25
                                    

CHAPTER 5: The Basketball Trial

*

KING'S POV

I'm at the front of the PHANTOM DRAGON GANG(PDG) headquarters nang lapitan ako ng mga inutusan ko kahapon.

"King, yung pinasundan mo sa amin kahapon. We traced those who kidnapped her. Grupo sila ng mga kidnap for ransom group." panimula nito.

"Eh ano nang balita tungkol sa babae?" I asked.

"'Yon yung problema King. Pagdating namin doon ay wala na siya at bugbog sarado na ang mga kumidnap sa kanya." Sagot niya sa akin.

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano siya nakatakas?

Umalis nalang ako agad na napapaisip kung ano nang nangyari sa kanya. I'm curious on how did her kidnapping turned on that. Malay ko ba kung nakaligtas siya or ano na.

I know that there's a reason behind this curiosity. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Pinaresearch ko na kay Jace ang pagkatao niya at walang lumabas na kakaiba sa mga impormasyong nakalap niya. She's a typical scholar whose parents are already dead. May mga evidences rin na nagpapakitang isa lang siyang normal na babae.

Walang na ring kamag-anak at nag-iisa na lang sa buhay.

*

KEITH'S POV:

Papasok na ako ng school. 6:30 palang ng umaga kaya't may oras pa akong maglibot.

Ngayon ko lang napansin ang ganda ng paligid dito sa EGU.

The buildings have this Roman and Greek touch. Hindi masyadong OA ang mga disensyo. Magaan lang siya sa mata at talagang nakakatanggal ng stress maliban lang sa mga sakit sa matang estudyante. Malawak ang lugar at tila ito isang paraiso. Hindi mo aakalaing nasa Pilipinas ka lang dahil sobrang ganda talaga.

I am enjoying my sightseeing nang mahagip ng aking mga mata si King Lhezter na nakatingin sa akin sa di kalayuan.

Mabalasik ang mga mata niya. Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari kahapon. My first day at school and a memorable day to treasure. Yeah, treasure dahil hindi naging simple ang unang araw ko bagkus ay naging kapana-panabik. Agad nalang akong umiwas ng tingin at naglibot libot pa.

Naalala ko na kailangan ko pa palang pumili ng PE. Basketball ang aking napili dahil na rin sa ito ang paborito ko mula pa noon.

Kailangan rin kasing medyo mabanat ang katawan ko para di manghina kasi hindi ako sanay na walang mabigat na ginagawa.

Mamayang hapon na yung PE classes.

Naglibot-libot pa ako hanggang tumunog na ang bell hudyat para sa oras ng klase kaya pumasok na ako sa silid namin.

The day went well maliban na lang sa di matigil na tsismisan ng mga estudyante tungkol sa akin. Nasasabi kong ako ang usap-usapan hindi lang dahil sa bulong na rinig naman kun'di dahil narin sa mga mapang-usig nilang tingin.

No one dared to talk and smile at me. But its fine di naman ako mamamatay dahil lang sa walang may gustong lapitan ako. All my life especially when I lost my mother nasanay na akong mag-isa kaya naman walang kaso sa akin ang mga ginagawa nila.

I just ignored them and did my own business. Mawawala din naman ang mga usap-usapan nila patungkol sa akin pag tumagal na ako dito kaya hinahayaan ko na lamang.

At 3pm, I went to the gym para sa PE ko.

I'm dressed on my PE uniform kaya lantad ang kaputian ko. Hindi naman kasi ako purong Pilipino kaya ganun. I have a Danish and Russian descent kaya hindi rin nahuhuli ang height ko.

DEMON PRINCESS-The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon