Pareho Silang Concerned kay Bakla

3.3K 52 1
                                    


KINABUKASAN, holiday, so as expected, nagpunta si Obeng sa apartment niya. Nagdala ito ng popcorn at romantic DVD movie.

"Look at us," Obeng said. "Holiday ngayon, pero narito tayo sa bahay, watching a boring movie and eating boring popcorn. We're exactly like this movie and popcorn. We're boring."

Kumutkot siya ng popcorn. "Ano bang dapat gawin kapag holidays? Mag-rally?" Maki-fiesta or something?

"Maglakawatsa. Magpunta sa bar."

"Umaga, pupunta sa bar?"

"That's not the point. The point is—we're boring."

Whitney was okay being boring, as long as she was being boring with Obeng.

"Si Star, hindi makakapunta kasi may date sila ng jowa niya. They're probably going to have sex today—"

"Yuck," Whitney said, with disgust. "I don't like to imagine that."

"Sex, Whitney, sex. Life. They have lives. Tayo, para kiiligin, nakiki-amot tayo kay Julia Roberts." Itinuro nito ang TV screen, kung saan kinikilig ang bidang babae sa pelikula.

"Si Katherine Heigl 'yan."

" Whatever," sabi lang ni Obeng. "We're stagnant. We're... we're not enjoying life."

"So, ano'ng mai-sa-suggest mo?"

"Mamayang gabi nga, mag-clubbing tayo."

"May pasok tayo kinabukasan," sabi ni Whitney.

"Um-absent tayo. Minsan lang naman. Saka hindi naman satisfying ang trabaho mo," sabi nito, na naisip ni Whitney na may punto. "Basta ngayong gabi, let's be crazy. 'Wag tayong maging si Obeng at Whitney, 'yong mga boring na nobody noong college. Tonight, let's be somebody. Somebody with a life."

Kung pagbabasehan ang speech ni Obeng, naisip ni Whitney na matagal na nitong naiisip iyon. Hindi lang nito na-realize iyon habang pinapanood ang pekeng buhay pag-ibig ni Katherine Heigl. And she just couldn't say no to Obeng. She knew he was tired of his life and he just wanted to spice things up. If he needed her for that to happen, she would be there.

"Okay lang sa 'kin," sabi ni Whitney.

Natuwa naman si Obeng. "Yes. Buti pumayag ka. Akala ko pagtatawanan mo lang ang isa-suggest ko, eh."

Napansin ni Whitney na may cheese powder na nasa pisngi ni Obeng. Naalala niya iyong sinabi ni Oman na natutuwa ang mga lalaki sa babaeng malalambing. Umangat ang mga kamay ni Whitney, pinunasan ang cheese powder sa pisngi ni Obeng. Natahimik ito, napatitig sa kanya.

Whitney was holding her breath, waiting to feel an electrifying sensation for what she did. Pero wala. Nakapagtatakang wala. Kaya sa huli ay binawi na lang niya ang kamay niya.

"Nauuhaw ako," sabi ni Whitney. "Kukuha lang ako ng tubig sa ref." Tumayo siya at dali-daling nagtungo sa kusina, may pumapasok na tanong sa isip.

Bakit wala akong naramdaman? Bakit? Pero bakit kapag kay Oman...

ALAS-NUWEBE ng gabi nagpunta sa isang bar sina Whitney at Obeng. Isang sakay lang iyon mula sa apartment niya. Pagpasok pa lang ni Obeng ay may pasigaw-sigaw na ito, para siguro mag-fit in sa wild na crowd. Sa totoo lang, ang OA. At hindi bagay dito. Obeng was the type of person people would see on museums on libraries. Even without glasses on, he was a true blue nerd.

But still, Obeng drank a lot of beer while she only had one. Obeng flirted witrh a lot of guys, too. Napapansin nga lang ni Whitney na ang nilalapitan ni Obeng ay iyong mga lalaking nakikipagsayaw sa babae. 'Yong mga straight. Kaya sa totoo lang ay iniiwasan lang ito. She didn't know why Obeng kept on trying his luck on straight guys.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon