MAY ISA PANG kailangang gawin si Obeng, para mabigyan ng happy ending ang lalaking mahal niya.
Pinapunta niya si Oman sa apartment niya Sabado ng tanghali. Tumanggi ito, sinabi na may gagawin ito pero nagmakaawa siya. Sa huli ay pumayag na rin ito.
Nakaupo si Obeng sa sofa, parang hindi makahinga habang naghihintay. Tumibok ng mabilis ang puso niya nang marinig niyang may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon. Nang makita niya si Oman, halatang in pain, muntik na siyang maiyak.
"Pasok ka," sabi niya.
Pumasok si Oman. "Hindi ako magtatagal, ha. May kailangan akong gawin."
Nilingon niya ito. Hindi na ito umupo sa sofa, na para bang hindi talaga nito gustong magtagal doon. Pinakatitigan niya ito. Hindi na siguro niya kailangang magpaliguy-ligoy pa. Lumunok siya bago magsalita. "Gusto kitang maging masaya."
Hindi nagsalita si Oman. Napatitig din lang ito sa kanya. Naririnig nila ang tunog ng ceiling fan.
"Alam ko na kay Whitney ka magiging masaya. Alam kong hindi kayang pantayan kahit nang isang daang Obeng si Whitney. Alam ko na mahal na mahal mo siya." Nagsimula nang mag-init ang mga mata ni Obeng. "Nakakakilala ako ng pagmamahal, kasi gano'n ang nararamdaman ko sa 'yo..."
Nagkaroon ng bakas ng awa ang mga mata ni Oman. Pero hanggang doon lang naman ang makukuha niya mula rito, 'di ba? Mahirap makuntento doon, pero kailangan.
"At dahil mahal na mahal na mahal kita, ayaw kitang masaktan. Kaya gumawa na ako ng paraan para magkaayos kayo ni Whitney."
Natahimik si Oman, tila pinaka-isip ang sinabi niya. Pagkatapos ay umiling ito. "You don't have to do this."
"No," mariing sabi niya. "I need you to be happy. Gano'n din si Whitney. Kayong dalawa ang pinaka-espesyal na tao sa buhay ko. I need to do this."
Hindi na nagsalita si Oman. Kaya nagpatuloy siya. "Mamaya, may kotseng susundo kay Whitney. Dadalhin siya niyon sa isang garden park sa Angono, kung saan may wishing well. You would be waiting on that wishing well, and you would look so handsome, and you would tell Whitney how much you love her."
Nakita ni Obeng na nabigla si Oman sa narinig. "That's..."
"Plan F," Obeng said, with a sad smile. "Nakita ko 'yong notebook mo na sinulatan mo ng dating plans. May check doon ang Plan A hanggang Plan E-2. Pero hindi ang Plan F. So I assumed na hindi n'yo pa 'yon nagagawa." Obeng shook his head. "You know what? You're one romantic son of a bitch."
Ngumiti si Oman. It was a smile that was filled with sadness and admiration. "And you're the most wonderful person in the world."
"I'm not wonderful. I'm just in-love," he said.
Titig na titig pa rin si Oman sa kanya, parang may gustong sabihin ngunit nag-aalangan iyong isatinig. And then he decided to say it anyway. "I fell for Honey," he said. "Naniniwala talaga ako na minsang nainlove ako sa kanya."
Hindi agad nakahuma si Obeng, nabigla sa narinig. "Honey is not real. She's an idea."
"Still, I loved her," sabi lang nito. "At alam mo kung bakit ko minahal si Whitney? Because you're right. She was like Honey. She was like..."
"Me," dugtong ni Obeng sa sasabihin nito.
Tumango si Oman. "Yes. She was like you."
"'Yon nga lang, babae siya," sabi ni Obeng. He then laughed bitterly. "Siguro, hindi ganito ang nangyari kung naging babae lang talaga ako, 'no?"
Hindi sumagot si Oman, but his eyes seemed to be agreeing with him. Muling pumatak ang mga luha ni Obeng. And for one silly moment, what he just found out made him happy. Nakakatawang pakinggan pero gano'n ang naramdaman niya, eh. "Thank you for saying that."
Oman nodded. Nakita ni Obeng na may luha na ring nangingilid sa mga mata nito. "Thank you for loving me," Oman said, with so much affection on his voice. "Kahit na hindi ko deserve. Kahit na deserve mo 'yong lalaking higit sa 'kin."
Pinunasan ni Obeng ang mga luha niya. Hindi niya ihiniwalay ang tingin niya kay Oman. Napatingin siya sa mga labi nito, ang labing ilang ulit niyang pinangarap na halikan.
At bigla ay hindi na siya nakatiis, dumukwang siya, inilapat ang mga labi niya sa mga labi ng binata. Napaatras ng bahagya si Oman, pero hindi naman tuluyang inilayo ang mga labi nito. Sa huli ay hinayaan na lang siya nito, pinagbigyan.
Smelling and feeling his skin made Obeng cry a lot more. Hearing him breathing just tore his heart apart. The fact that it seemed that he was just kissing a wall made him sure that he couldn't really have Oman. But still, he wanted to freeze that moment, because it was when he finally tasted the lips he had longed for. He wasn't kissing him back, he didn't love him back, but it didn't matter anymore because all of Obeng's love for Oman was more than enough for the both of them.
Kumalas na si Obeng. Nakita niyang ang mga luha niya ay napunta sa pisngi ni Oman. Pinunasan niya ang mga iyon gamit ang mga kamay niya. And then he said, "I really need to say this one last time. I love you so much, Oman." He cupped his face with his hands. "And I'm really hoping for your happiness."
Oman smiled. His eyes sparkled. "I'm really hoping for your happiness, too."
"Matagal pa 'yon. Ikaw muna. Ipangako mo sa 'kin na aalagaan at mahahalin mo si Whitney. Ipangako mo sa 'kin na hindi mo siya paiiyakin," sabi ni Obeng. "Sensitive 'yon, eh. Na-bully kasi dati. Tuwang-tuwa siya sa mga lalaking nagluluto para sa babae. Pero 'wag mo siyang lutuan ng bagoong, allergic siya doon."
"Don't be too wonderful," he said. "I will feel like a jerk."
"Okay lang sa 'kin na maging jerk ka. As long as you're happy."
And Obeng saw that Oman was touched once again. Tumango ito. "I'll be happy."
"Please give this to Whitney," sabi ni Obeng, mula sa bulsa ay naglabas ng papel at ibinigay kay Oman. "That's a letter. Kailangan niyang basahin 'yan."
"Sure," he said.
"Ibibigay ko sa 'yo ang address ng resort sa Angono. Maghanap ka na nag maisusuot mo, at magpunta ka na agad doon. Bahala ka na sa gimmick mo. Basta fight for the one you love."
Matapos nitong makuha ang mga kailangan nitong impormasyon ay nagpaalam na si Oman. Bago ito umalis ng apartment ay huminto ito, tumitig sa kanya. "Again, thank you for everything."
Tumango lang siya at sinenyasan itong umalis na. Isinara nito ang pinto. The little happiness he felt had instantly deserted him. Ngayong wala na si Oman, bigla ay parang na-magnify ang pain. Para bang doon lang niya na-realize na official nang wala siyang pag-asa sa lalaki. He was now alone—with his silly romantic movies and his broken heart. At nagsimula na naman niyang maisip ang posibilidad na tumanda siyang mag-isa.
So what was left to do but cry?
![](https://img.wattpad.com/cover/150189583-288-k723739.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)
RomanceIsang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!