Ang Babaeng Ahas

3.2K 45 2
                                    


ANG PLAN B ay pagja-jogging sa field ng sports center ng siyudad nila. Kaya madaling araw pa lang ng Sabado ay sinundo na siya ni Oman dala ang kotse nito, para makapag-jogging sila nang hindi pa mainit ang sikat ng araw.

Nang mapagbuksan ni Whitney ng pinto si Oman, she almost squealed. He was so handsome in his gray shirt and black jogging pants. Iyong tipong kapag may nakasabay itong mag-jogging, matatalisod at magkakandadapa ang mga iyon dahil mapapatitig na lang dito.

"Are you ready?" he said, looking happy and excited.

Tumango si Whitney. "Tara na."

Nagtungo na sila sa kotse nito at pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nasa tapat na sila ng sports center. Mayamaya pa ay nasa field na sila at nag-stretching na bago mag-jogging. Inalalayan pa siya nito sa stretching, kaya halos magdikit na ang mga katawan nila. The morning was cold but his body was as warm as a good person's heart. His body was hard, too. Alam niyang wala itong sobrang taba at hindi naman ito payat na payat.

"O, ready ka na?" tanong ni Oman sa kanya pagkatapos ng stretching.

Tumango si Whitney.

"Wait, wait. Para hindi boring, gawin nating race. Unang maka-ikot ng tatlong beses ang mananalo," sabi pa nito, tonong naghahamon ang tinig.

Mayabang. Confident.

Siyempre, ayaw namang magpadaig ni Whitney. "Sure. Kapag ako ang nanalo, ikaw ang manlilibre ng almusal," sabi niya.

"Call ako diyan," sabi nito. "'Pag nanalo ako, hahalikan kita," sabi nito.

Hindi pa man sila nagja-jogging ay naging hyper na ang puso ni Whitney dahil sa narinig. "Neknek mo. Ano 'yon, dignidad ko ang kapalit?" pagbibiro niya, para mawala ang kaba.

Oman laughed. "I'm just kidding. 'Pag nanalo ako, ikaw din ang manlilibre sa 'kin ng pagkain. Ayoko ng Jollibee."

"Call," she said. Confident din si Whitney dahil kahit paano ay sanay siya sa pagja-jogging. Iyon ang naging exercise routine niya kaya mula sa pagiging mataba ay medyo chubby na lang siya ngayon.

"Hayaan mo, para sa 'yo, hindi ko masyadong bibilisan."

"Ang yabang mo. Feel mo naman, mananalo ka talaga."

"Siyempre." Pinaghiwalay nito ang mga hita nito at tinapik ang mga iyon. "Mahahaba yata ang biyas ko." Tumaas-baba ang mga kilay nito.

Totoo, sang-ayon ni Whitney sa isip. Nakaka-akit ang mga hita ni Oman. Para ring ang sarap ihiga ang ulo niya sa kandungan nito. At hindi nga lang siya sa hita napatingin. Parang nagpapansin kasi iyong umbok na nasa pagitan ng mga hita nito.

Oh, crap! This is so not me! Hindi ako ganito! Hindi ako manyakis! Never in my life did I stare on a guy's crotch! Not even in magazines!

"Oy, saan ka nakatingin, ha?" sabi bigla ni Oman, tinakpan ang "magandang tanawin."

Potek. Nakahalata. Nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ni Whitney. Pero aamin ba siyang nagkakasala ang mga mata niya? Of course not! "Bakit ko naman titingnan 'yan 'no? Makakabuti ba sa development ko bilang tao ang pagtitig diyan?"

Ngumisi si Oman. "Malay mo naman."

Shit. Pati pagngisi, sexy.

Kakaiba ang charm ni Oman. Boyish pero nakakabuhay ng mga emosyong hindi naman niya madalas maramdaman. Ni hindi nga siya naikaramdam ng katiting na pagnanasa kay Obeng, eh.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon