PINAPANOOD ni Obeng si Oman na maglasing sa bar na iyon. Kasama niya kanina ang mga workmates niya, maglalakwatsa sana sila sa isang malapit na casino, kung hindi lang niya nakita si Oman na pumasok sa isang bar.
Hindi napigilan ni Obeng ang sarili, nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at agad na sinundan si Oman sa loob. Hindi niya agad ito nilapitan. Pinanood muna niya ito. Hindi naman siya nito napapansin. Nakita niyang namamaga ang mga mata nito, namumula ang ilong. Paminsan-minsan ay pinupunasan nito ang mga mata nito. He was in pain. At nasaktan din si Obeng dahil doon.
Nang marinig niya na um-order pa ito nang isa pang bote ng vodka kahit lasing na ito, hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at nilapitan ito. Pinigilan niya ito ng akmang dadamputin ulit nito ang bagong bote ng alak.
Oman looked at him. There were tears on the corner of his eyes. He was very beautiful, even when he was crying.
"Lasing ka na," sabi ni Obeng.
"Hindi pa," sabi nito, may pilit na ngiti sa mga labi. "Nakikilala pa nga kita, eh. Artista ka, 'di ba?"
"Stop joking. Umuwi na tayo," sabi ni Oman.
Umiling ito. "Ayoko. Hayaan mo muna ako." Napansin niyang bahagyang napapasinghap ito, na para bang pinipigil humagulgol. "Nasasaktan ako ngayon, eh. Baka ano pang magawa ko kapag mag-isa na lang ako."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito. "Umuwi na tayo," ulit niya. "Sasamahan kita sa apartment mo. Hindi kita iiwan. Doon lang ako."
Tumingin ito sa kanya, napakurap. Namasa na ng luha ang mga mata nito.
"Handa akong making," sabi pa ni Obeng.
Oman bit his lips, maybe another way to keep himself from crying. Mukhang inisip muna nito ang gagawin. Mayamaya ay tumango-tango ito. "Let's go."
WHITNEY was lying on her bed that felt as cold as a coffin. She felt as if she was dead, too. Nagpapaulit-ulit pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Oman.
Puwede naman nating itago muna.
Puwede naman, 'di ba? Puwede naman talaga. Kung hindi naman alam ni Obeng, hindi naman ito masasaktan, 'di ba?
Malalaman din niya iyon eventually, sabi ng kontrabidang bahagi ni Whitney. In the end, masasaktan pa rin ang hindi dapat masaktan.
Pero puwede naman nilang ihanda si Obeng, 'di ba? Hindi naman nila ito bibiglain kung sakali. And Obeng was mature. She knew he would understand.
He would understand, but it doesn't mean he would not be hurt. Saka, it's too late. Itinaboy mo na si Oman. Hindi naman siya tanga para bumalik.
Those words suddenly scared Whitney shitless: It's too late...
NAKA-AKBAY si Oman kay Obeng. Mabuway na kasi ang tayo ni Oman kaya hindi na ito nakakalakad ng maayos. Hirap na hirap si Obeng dahil hindi naman siya athlethic, pero pilit niyang kinakaya dahil ayaw niyang matumba sila at masaktan si Oman. Umiiyak pa rin si Oman. Siguro dala ng alcohol kaya hindi na nito mapigilang gawin iyon.
Ihiniga niya ito sa kama. Tinanggalan ng sapatos at medyas. Inayos niya ang unan sa ulo nito. Nagpunta siya sa kusina, kumuha ng palanggana, nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Pabalik pa lang siya sa kama ni Oman ay narinig na niya itong nagsalita.
"Whitney..." anas ni Oman, na ngayon ay nakapikit na.
Humigpit ang kapit ni Obeng sa palanggana. Whitney's the reason he's crying. He loves her.
Alam na naman niya iyon, noon pa. Noong nakita pa lang niya iyong paraan ng pagtitig ni Oman kay Whitney sa party ni Casper, nahuuhulaan na niya na may mangyayaring ganito. Kaya nga niya nasabi niya kay Whitney na 'wag sana silang mag-away dahil sa lalaki.
At nahahalata naman ni Obeng iyong pagtawag sa kanya ni Oman na madalas ay mauwi sa pag-uusap tungkol kay Whitney. Alam din niya na si Whitney ang dahilan kaya lately ay parang masaya si Oman kapag tinatawagan niya. Bakla siya, kaya hindi siya tanga. Marunong siyang makiramdam.
Umamin ba ito kay Whitney at ni-reject ito ng kaibigan niya? Siguro. May No-Date list sila ni Whitney at alam niyang hindi siya ta-traidurin nito.
Pero kahit ganoon, masakit pa rin isipin na sa kaibigan niya nagkagusto si Oman. Bumuntong-hininga si Obeng. Kahit nasasaktan na, nilapitan pa rin niya si Oman, umupo sa kama. Tumigil ito sa pagsasalita nang maramdaman ang presensiya niya.
"Pupunasan kita," he said.
Tumango si Oman.
Inilublob niya ang isang bimpo sa palanggana, piniga iyon. Maingat niyang pinunasan ang mukha ni Oman. Kahit paano ay nawala ang kunot sa noo nito, kahit paano ay tila kumalma ito. Binuksan niya ang polo nito, at hindi naman ito umangal. Tumambad sa kanya ang katawan nito. Pinunasan niya ang leeg nito, ang dibdib, ang tiyan na walang taba.
And Obeng almost cried. This was the body he was aching to own, but couldn't. This night had presented him an opportunity—but he wouldn't do it. Dahil may respeto siya sa lalaking mahal niya. Nagpatuloy lang siya sa maingat na pagpunas dito, pinipigil pumatak ang mga luha niya.
Nang matapos ay itinabi niya ang palanggana, kumuha ng damit sa aparador, at inalalayan si Oman na magbihis. Pagkatapos ay kinumutan niya ito, pinagmasdan, hinaplos ang mukha...
"Don't leave," he murmured, and he sounded like a little boy scared of the ghosts hiding under his bed.
Umupo siya sa sahig, hinawakan ang kamay nito. "I wouldn't," he said, then squeezed his hand. "I'll be here."
"It hurts," Oman said.
"I know," sabi niya. "I understand."
Tumango ito, humikbi. Ilang minuto din itong paulit-ulit na humikbi, bago huminto. Mayamaya pa ay pantay na ang paghinga nito. Oman was already asleep. Obeng touched Oman's face again, this time so lovingly. Obeng sank into a deep level of pain and despair.
Matagal na tinitigan ni Obeng ang natutulog na si Oman, panay ang sabi ng "I love you." Nang mapagod sa pagbibigay ng mga salitang hindi naman bumabalik, nagdesisyon siyang matulog. Naglatag siya ng kumot sa sahig at kumuha ng dalawang unan sa cabinet. He didn't want to share his bed. He didn't want Oman to be uncomfortable tomorrow morning when he wakes up sober.
As Obeng lay on the floor, he curled into a fetal position. He thought sleep would come easy but it didn't. So he clutched one pillow and cried.
![](https://img.wattpad.com/cover/150189583-288-k723739.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)
RomanceIsang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!