NAGDASAL ng paulit-ulit si Whitney habang nakasakay ng kotse na maghahatid sa kanya sa kung saan man sila magkikita ni Obeng. Hindi man maibalik ang friendship nila, ang hiling lang niya ay mapatawad siya nito. Wala na naman siyang ginawa na ikakadagdag ng galit nito, dahil iniwasan ulit niya si Oman.
Laking gulat ni Whitney pumasok sa gate ng isang resort ang kotse.
"Malapit na po ba tayo, manong?" tanong niya sa driver.
"Malapit na," sagot nito.
Tumanaw si Whitney sa labas. Maraming mga puno ang hinahampas ng hangin, kaya ang mga dahon ay dahan-dahang nalalaglag sa lupa. Mukhang mapayapa ang lugar. Meron din siyang natanaw na pool, pero walang nagsu-swimming. In fact, wala siyang makitang ibang tao. As if ipina-reserve ang buong resort para sa pagkikita nila ni Obeng.
"Dito po ba talaga ako dapat ihatid?" tanong pa niya sa driver. Ang iniisip niyang pupuntahan nila ay abandonadong warehouse, 'yong parang pinaggaganapan ng hazing. Naisip pa nga siya na i-pa-paddle siya ni Obeng or something.
"Dito po talaga, ma'am."
Huminto ang kotse sa ilalim ng isang mataas na konkretong hagdan. Doon ay takang-taka na talaga si Whitney.
"Akyatin n'yo na lang po 'yong hagdan, ma'am," sabi ng driver.
Hindi na nagtanong si Whitney, lumabas na lang siya sa kotse. Agad na umalis ang driver kaya nagtungo agad siya sa hagdan. Bawat steps niyon ay may petals ng pulang rosas at nakatirik na mga pink na kandila. Seriously? Hindi kaya mali talaga ang driver? Para kasing proposal ang pupuntahan niya. Pero nagpatuloy pa rin si Whitney sa pag-akyat, confused and curious at the same time.
When Whitney reached the top of the stairs, she didn't see Obeng. She saw Oman. Nakatalikod ito sa kanya, itina-tuck in sa pantalon ang suot nitong long-sleeved polo. May isang balon na malapit dito—siguro ay wishing well iyon. Kahit nalilito pa rin sa mga nangyayari, nagsimula na muling tumibok ng mabilis ang puso niya.
"Ano'ng nangyayari?" sabi ni Whitney.
Biglang napalingon sa kanya si Oman. "Oh, crap," sabi nito, nahaluan ng frustration ang tinig habang inayos ang pantalon. Tumingin ito sa orasan. "You're... you're... a little bit early."
"Wala kasing traffic," sabi ni Whitney. "Kaya maaga kaming nakarating ng driver." Supposed to be ay alas-siyete pa sila darating doon.
"Kasi, may ano, may violinist dapat. Tapos, may singer, tapos hindi pa rin dumadating magde-deliver ng bouquet of roses na ibibigay ko sa 'yo—"
"Hindi ko maintindihan," putol ni Whitney. "What is this?"
Oman gave her an unsure smile, habang nagpupunas ito ng pawis. "Plan F."
"Pa'nong plan F?" she said. "Si Obeng ang nakikipagtagpo sa 'kin. Nasa'n si Obeng?"
Sinabi ni Oman kung paanong plano lang pala ni Obeng ang lahat, para magkaayos silang dalawa. Ikinuwento nito ang pakikipag-usap nito kay Obeng at ang sinabi ng kaibigan niya na dapat itong maging masaya.
"My happiness is you so I'm here," sabi pa ni Oman. "Ako ang nagtirik ng mga kandila sa ibaba. Ako ang nagkalat ng roses sa hagdan. Pumanhik ako rito para sana magbihis ng maayos na damit, pero dumating ka kaagad."
Itinaas ni Whitney ang mga kamay niya. "Wait, wait. Obeng did this para maging masaya ka?"
"At ikaw rin," sabi ni Oman. "Gusto ka rin niyang maging masaya. Sinabi niya sa 'kin na mahal mo raw ako... wait, that was true right?" Bigla ay parang kinabahan ito. "I'm your happiness too, right?"
Parang kapag sumagot si Whitney ng hindi ay tatalon si Oman sa wishing well. Pawis na pawis ito, hindi na nakangiti, bakas na bakas ang takot sa mga mata. And how could she say no? He was really her happiness.
"Yes," Whitney said. "Ikaw din ang happiness ko. I seriously thought na si Obeng, dahil I feel connected with him. Pero hindi ko naman naramdaman sa kanya 'yong kilig na nararamdaman ko sa 'yo. And when I'm with Obeng, I feel like a person. When I'm with you, I feel like a woman. That's another difference."
Napangiti si Oman nang marinig iyon. "I'm so happy to hear that. And I want us to be together forever."
God knows Whitney wanted them to be together as well, pero hindi ganoon kasimple iyon. "No, no," Whitney said, shaking her head. "Paano si Obeng? Masasaktan siya. Mahal ka niya," sabi pa ni Whitney.
"Mahal ka din niya," sabi pa ni Oman. "Tingin ko nga, mas mahal ka niya, eh. Kaya niya ginawa, 'to. Kaya ginusto niya na maging tayo. I know that you're worrying that he would be lonely, pero iyong mga taong katulad ni Obeng... they will find love. Matatagalan, totoo, pero eventually, they will find love. Life is a big jerk kung hindi. Lalo pa na he deserves it more than anyone."
Hindi pa rin nakapagsalita si Whitney.
"He asked me to give you this letter." May iniabot sa kanya si Oman. "Basahin mo 'yan mamaya. But for now, don't hurt Obeng again. He sacrificed and did this for us. Let's not disappoint him."
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang sumuko ang puso ni Whitney, at nagpaubaya sa kasiyahan. Nabura na lahat ng takot at pag-aalinlangan niya. Paulit-ulit siyang tumango. "I won't," she said. Idinikit niya ang noo niya sa noo ni Oman. "I would not disappoint him."
"Handa ka na ba na magkaroon tayo ng maraming plans?" Oman asked. "Kapag natapos na tayo sa Plan Z, gagawa tayo ng sarili nating alphabet. O baka numbers ang gamitin natin. O roman numerals. Basta gusto ko, iyong mga buhay natin, magkasama na nating pa-planuhin."
"Of course. I ejoyed Plan A to Plan E-2. Gusto kong magkaroon ng Plan F hanggang Plan Z. Kung magkabubusan na, willing akong um-imbento ng sarili kong alphabet. I could invent a million letters, to have a thousand moments with you. I love you."
Oman laughed, then planted a kiss on her lips. "Puwede ko namang sabihing, "I love you, too," pero words are bland. I will just show it."
At bago pa makapag-react si Whitney, sinakop na ni Oman ang mga labi niya. Words were really bland, she realized. His kiss were so much better and so much true. Dumating na ang violinist, ang overweight na singer at ang nagde-deliver ng roses pero hindi na nila iyon pinansin. Pakiramdam nila ay wala na sila doon. They were in their own world, and it was very beautiful.
HABANG pauwi, binasa ni Whitney ang sulat ni Obeng. Nakahilig na sa balikat niya si Oman noon, natutulog, napagod yata sa lahat ng nangyari. Mabuti na rin iyon, para hindi na ito makiusyoso sa kung ano'ng nakasulat doon.
Whitney,
I'm hurt, but that doesn't mean that I stopped loving you. I will never stop, dahil kapatid na ang turing ko sa 'yo. And when gays love, it almost always last a lifetime.
Alam kong darating din 'yong araw na hindi na ako masasaktan kapag nakikita kita. Hindi pa 'yon ngayon, so I hope na you can wait for me.
Sorry for all the things I've said, and I'm hoping na 'pag okay na sa 'kin ang lahat, masimulan ulit natin iyong isinumpa natin sa isa't-isang forever. Kasi, mas gusto ko namang magkaroon ng forever na kasama ka kaysa sa ibang lalaki.
I believe, with all my heart that everything would be okay in the end.
Obeng
Whitney smiled after reading the letter. Itinupi niya iyon at isinuksok sa bulsa niya. Pinunasan din niya ang mga luhang nagbabantang tumulo sa mga mata niya. "We will, Obeng. We will be okay again," she said.
Tumingin siya kay Oman—now officially her first boyfriend. Tinapik niya ang pisngi nito. Nang magising ito, nagtanong agad ito sa kanya. "Ano na?" he said, sounding groggy from sleep. "Nasa tapat na ba tayo ng apartment mo? Bababa ka na ba?"
"No. Ginising lang kita para sabihing masaya ako dahil tingin ko, darating din 'yong araw na magiging okay ang lahat."
Mukhang nagtaka si Oman sa pinagsasabi niya. "Ha?"
"Never mind," natatawa na lang na sabi ni Whitney. "Ginising rin naman kita just to kiss you. Okay lang ba?"
Upon hearing that, Oman grinned. Humawak ito sa batok niya. "Anytime, babe. Anytime." Pagkatapos ay kinabig siya nito at hinalikan. And they were in their beautiful world once again.
BINABASA MO ANG
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)
RomanceIsang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!