Eight years ago, kung paano nagsimula ang forever...
Wala nang mas masaya pa kay Obeng ng gabing iyon. Kahit siguro iyong nanalo sa lotto, sweepstakes, tarembe o gameshows. Wala nang mas masaya pa sa kanya, dahil kausap niya si Oman sa cell phone.
Inisip ni Obeng noon na hindi na siya kakausapin ni Oman, mula nang malaman nitong nagpanggap siyang babae para lang maka-text ito. Pero mabait siguro talaga ito dahil sa huli ay naintindihan naman nito ang lahat, at ngayon nga, kahit paano, ay maituturing na rin niya itong kaibigan niya.
"Malapit na ang birthday ni Casper, ha? Dadalo ka ba?" Ang tinutukoy niya ay ang boyfriend ng kaibigan niyang si Star.
"Oo naman," sagot nito. "Best friend ko 'yon, eh."
"Oo nga naman. Baka magalit pa sa 'yo si Casper."
"Hindi naman ako takot do'n," sabi ni Oman.
And then, wala nang nagsalita sa kanila. Marami silang dead-air. Pero natutuwa naman si Obeng dahil kahit ganoon ay hindi sinasabi ni Oman na gusto nitong tapusin ang tawag. Isa pa, naisip ni Obeng na normal siguro ang ganoong moments dahil sa lahat ng nangyari sa kanila. Eventually siguro, mawawala rin iyon.
"Sasama ba iyong isang kaibigan n'yo?" tanong ni Oman. At kilala na ni Obeng kung sino ang tinutukoy nito.
"Si Whitney pa?" sabi niya, bahagyang natawa. "Basta kainan, hindi mawawala 'yon. Ando'n 'yon."
"Really?"
"Yes. Masarap 'yong kasama. Try mong kausapin."
"I will," he said. And for some reason, he seemed to be more engaged with the conversation. "Kasi parang I find her interesting."
"Matutuwa ka sakanya. Para siyang si Honey," sabi ni Obeng. Huli na para mapigilan niya ang sarili niya.
Ang "Honey" na tinutukoy niya ay ang pangalang ibinigay niya rito nang magpanggap siyang babae. Oman seemed to be attached with "Honey." Hindi ito matigil sa pag-text kay "Honey," na minsang sinabi nito na kahit hindi pa nito nakikita si "Honey" in person, nagkaroon na ito ng crush sa babae.
Kaya nang malaman nitong siya at si Honey ay iisa, ilang buwan ding nagalit ito sa kanya.
"Hindi ko dapat sinabi 'yon," sabi ni Obeng. "Awkward—"
"Ano ba kasing pinagsasabi mo?" sabi nito, with humor on his voice. "I like talking with Obeng, too."
Napangiti si Obeng. This guy is so sweet, without him knowing it... "Back to Whitney, mabait iyon. Para nga kasing ako iyon, babaeng version nga lang. Makulit din, insecure. Matalino din 'yon, mas matalino pa nga yata sa 'min ni Star."
"And she's genuine," Oman said, and his voice was weird, it was the voice of a person whose mind was drifting to someplace else.
"Ha?" naguguluhang sabi ni Obeng. "Genuine?"
"Wala," bawi ni Oman. "I'd be glad to meet Whitney."
Doon naisip ni Obeng na parang masyado na yatang napopokus kay Whitney ang usapan. Kaya nagbukas si Obeng ng panibagong topic.
He tried so hard to make Oman talk and talk, because hearing his voice on the other line more beautiful than the chirping of birds, the hum of the waves, and the comforting sound of the television that he needed to sleep better.
Obeng also imagined them talking up close, feeling and smelling his breath. Obeng imagined Oman hugging him, as if he was a vase from the Ming dynasty that he didn't want to break. Obeng imagined them kissing under the stars, as the rest of the world descend into blissful sleep.
BINABASA MO ANG
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)
RomanceIsang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!