Bakit Masakit Gawin ang Tama

2.7K 55 0
                                    


WHITNEY was trying very hard to sleep, but she couldn't. Her hands were aching; he wanted to caress Oman's nape, cheeks and neck. She wanted to kiss him, too. Nagkaroon naman siya ng tsansa kanina, pero hindi nangyari dahil itinaboy niya ito.

Gusto niyang tawagan ito, para sabihing nagbago na ang isip niya. She could say: Hindi ko rin pala kaya na walang Plan F. At tingin ko, kaya kitang mahalin tulad ng pagmamahal ni Obeng sa 'yo. Madaling lalalim ang nararamdaman ko para sa 'yo, sigurado ako ro'n.

Tatawagan ko na kaya siya? Naisip ni Whitney. Pero sasagutin kaya niya? Paano kung hindi? Paano kung mas masaktan pa ako sa sasabihin niya?

So Whitney decided to do nothing.

PAGMULAT ng mga mata ni Oman, ang una niyang naisip ay si Whitney. He groaned, because of his aching head and the after taste of his grief. Parang wala siyang motivation na bumangon sa kama. He just wanted to lie there and do nothing. Or maybe give Whitney a call, just to hear her voice. Hearing her voice would be enough.

Mukha kang tanga, dude.

Dahan-dahang umupo si Oman, sapu-sapo ang ulo. Doon niya nakita si Obeng sa sahig, nakayakap sa isang unan. Mukhang si Obeng ang nag-uwi sa kanya sa apartment. He could barely remember it.

Napatingin si Obeng sa side table. May palanggana doon na may bimpo. Doon din na-realize ni Oman na iba na ang suot niya, hindi iyong damit niyang pinili pa talaga niya ng mabuti para kay Whitney. Napatingin ulit si Oman kay Obeng.

He took care of me, Oman said to himself.

Umalis siya sa kama, lumuhod sa sahig, para makita lalo si Obeng. Sa liwanag ng araw na lumalagos sa bintana, nakita niyang basa ang pilikmata ni Obeng. And he wasn't stupid, he knew Obeng had cried.

Did I make him cry? What did I said last night? Oman said to himself.

Mukhang naramdaman ni Obeng na may nanonood dito na matulog dahil umungol ito. Mayamaya ay dahan-dahang dumilat ang mga mata nito. His eyes were expressive, he noticed. And when he looked at him, Obeng's eyes were suddenly filled with so much...

Love, dugtong ni Oman sa isip.

"Gising ka na pala," he said. Bumangon ito, nagkukusot ng mga mata. "Pasensiya na, hindi ko yata narinig ang alarm ng cell phone ko. Balak ko sanang igawa ka ng breakfast."

Hindi nakapagsalita si Oman, titig na titig lang siya kay Obeng.

"Gutom ka na ba?" tanong pa ni Obeng. "Sandali lang naman magluto. Nakita ko naman na may stocks ka sa ref—"

"Ako na ang magluluto," sabi ni Oman.

"Ha?"

"Ako na," sabi pa niya. "Ipagluluto kita."

Tumingin sa kanya si Obeng. "You don't have to do that. I mean, baka masama pa ang pakiramdam mo."

"Okay na 'ko," pagsisinungaling ni Oman. "Nakakahiya na sa 'yo. Masyado na kitang naperhuwisyo."

"Wala naman 'yon."

"No," sabi niya. "I insist."

AFTER drinking coffee, Oman felt a little bit better. Nakapagluto naman siya ng matino at mayamaya pa ay kumakain na sila ni Obeng. He was observing Obeng. Iniisip pa rin niya kung may nasabi ba siya rito tungkol kay Whitney. Wala siguro. Kasi kung meron, malamang, hindi na ito nag-stay doon. O malamang, nang magising ito, sinalubong siya nito ng mura at pananakit.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon