Nalito si Babae

3.7K 64 0
                                    


KINAUMAGAHAN, Lunes, nang silipin ni Whitney ang cell phone niya, nakita niyang marami siyang mensahe na natanggap na galing kay Oman.

Good morning.

Kumain ka n b?

Ngenjoy ako khapon.

Bkit hindi ka nagre-reply?

Me naicp na akong gwin pra 2lungan k sa problema mo. A way to make u more attractive.

2log k pa?

As if naman masasagot ni Whitney iyong huling text kung tulog pa nga siya. Binura niya ang mga mensahe at bumaba sa kusina. Hindi na siya nagulat na naroon sa kusina si Obeng, nagsasalin ng juice sa mga baso. Isang tricycle ride lang ang layo ng apartment ni Obeng sa apartment niya. Binigyan niya ito ng susi sa apartment niya dahil tamad itong mag-grocery at sinabi niyang welcome nitong kainin ang kahit anong nasa fridge niya.

"Good morning," he said. "Kumain na tayo. Nagluto ako ng hotdogs."

Whitney felt a rush of compassion towards him. "Thank you," sabi niya, bago dumulog sa mesa.

Umupo sa silya sa tapat niya si Obeng. "May ikukuwento ako sa 'yo," sabi nito, ngiting-ngiti.

"Is this about Oman again?" she said, nagkunwaring hindi interesado.

Hindi apektado si Obeng, tumango ito. "Pinuntahan kita rito kahapon para magkuwento pero wala ka naman. Kilig na kilig talaga ako noong Sabado."

"Bakit, ginahasa ka ba niya?" may trace ng bitterness na sabi ni Whitney.

Natawa ng malakas si Obeng. "Sira-ulo. Walang gano'ng nangyari, 'no. Saka, hindi ko naman siya iniisip in a sexual manner—there are times, pero hindi naman all the time," sabi nito. Oman's eyes were dreamy, oblivious to the frustration on hers. "Nire-respeto ko kasi siya. Hindi ko siya pinagnanasaan lang."

"Amen," she said. "Maari pong ihulog na lamang ninyo ang inyong mga donasyon sa mga kahon—"

Natatawang pinisil ni Obeng ang baba niya. "Panira ka ng moment."

"Magkuwento ka na kasi," sabi ni Whitney. She instantly hated herself for saying that.

"Nanood kami ng sine," pagpapatuloy nito. "Gusto sana niya ng action pero mas gusto ko ng love story. Tiniis niya, kahit maluha-luha na siya sa antok." Obeng giggled. "Tapos, kumain kami sa pizza parlor. Hindi ko mahiwa 'yong pizza sa maliliit na piraso. Tapos nagulat ako, inagaw na niya sa 'kin yong pizza, siya na ang naghiwa."

"Siya na rin ba ang kumain?" pang-aasar na naman ni Whitney. She had to do that or it will hurt.

"Of course not. Ibinigay niya sa 'kin ng mahiwa na sa maliliit na piraso."

"Then what?"

"Nang pauwi na kami, ihinatid niya ko sa bahay," sabi pa nito.

Ipinilit rin ni Oman sa kanya kahapon na ihahatid siya nito pero tumanggi siya. Inisip ni Whitney kung sasabihin ba niya kay Obeng ang paglabas nila ni Oman. Pero para saan naman? Baka kulitin lang siya nito nang kulitin kung bakit sila lumabas, masira pa ang mga plano niya. Kaya sa huli ay tumahimik na lang siya.

"Ayaw ngang umalis, eh. Hanggang hindi ako nakakapasok sa loob. Ang tagal tuloy naming parang tanga lang, nakatayo ng magkatapat. Pinipilit niya kong pumasok na, pinipilit ko naman siyang umalis na."

"Ang arte n'yo. Ano'ng nangyari, inumaga kayo?"

"Siyempre hindi. Ako na lang ang sumunod sa kanya. Ang saya saya," sabi pa nito.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon