NOTE: Hindi nyo po mababasa ang mga susunod na chapter kapag di nyo po ako fina-follow. Ginawa ko po kasi... kasi nakita ko sa iba. Haha! Saka hello o, konti ng followers ko. Madagdagan man lang.
NAUNA sa karamihan ng mga bisita si Whitney. Gusto kasi niyang maihanda ang sarili niya sa kung ano man ang mangyayari. Dumulog siya sa mesa sa pinaka-sulok ng restaurant na paggaganapan ng party. Everything around her was colorful, the exact opposite of her mood.
Lumapit naman sa kanya si Star. Kuntodo make-up ito at maganda ang dress na mukhang mamahalin. Walang makaka-upstage dito. Lalo pa at kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito. "Bakit hindi pa kayo nagsabay ni Obeng? Magkalapit lang ang apartments n'yo ha."
Ngumiti si Whitney. "Hindi naman niya ako tinatawagan, eh," sabi niya. "Baka may iba na siyang kasabay." Baka gusto niya na may privacy sila ni Oman...
Bumuntong-hininga si Star. "Si Oman siguro ang kasama niya."
"Hey, I heard my best friend's name," sabi ni Casper, ang fiancé ni Star. Lumapit ito sa kanila. He was very handsome that night. It was because of the spark of happiness on his eyes. "Mind joining me in the conversation?"
"Hindi kasi nagsabay sina Obeng at Whitney papunta rito. Tingin ko, ang best friend mo ang kasama ni Obeng."
"You make it sound like it's a big deal," sabi ni Casper.
"Hindi naman," sabi ni Star, sabay tingin sa kanya. May empathy sa expression nito na pinalitan nito ng ngiti—para siguro hindi mapansin ni Casper. "Praning ka lang."
Nakipag-usap sa kanya ang mga ito at mayamaya ay nagpaalam, dahil kailangang may salubungin na mga bagong bisita. Naiwan siya doon na tulala lang sa mga nagsisidatingang bisita, gusto na matapos na lang agad ang party. And then, he saw them. Obeng and Oman. Sabay pumasok ang dalawa sa restaurant. They were staring at each other while talking.
Oman was so handsome on his suit. She felt as if her poor heart was squeezed. At nang malapit na ito sa gawi niya ay napatingin si Oman sa kanya. Nahinto ito sa paglalakad. Nahinto rin si Obeng sa paglalakad. Titig na titig na ngayon si Oman sa kanya. Napansin iyon ni Obeng so Obeng stared at her, too. And she suddenly felt that the three of them were the only people on that party. It felt as if there was a string that connected them all. Walang gumalaw sa kanila, parang tableu iyon na may pamagat na: Bizarre Love Triangle.
Si Whitney ang unang naglayo ng tingin. Hiniling niya na sana ay sa ibang mesa na lang dumulog ang dalawa. At natupad naman iyon. Ayaw niyang tumingin sa dalawa dahil baka ma-aktuhan niyang naglalambingan at masaktan siya, pero hindi niya mapigilan ang sarili. She just wanted to see Oman—badly.
At sa unang pagtingin ni Whitney, nakita niyang nakatingin din si Oman sa kanya. He was handsome tonight, she had thought of that already—but he wasn't as handsome as Casper. Because there was no trace of happiness on his eyes.
Dream on, Whitney. Dream on.
NAGPUNTA si Whitney sa rest room, dahil hindi na niya kinakaya ang romantic na ambience sa party. She looked at the mirror and she realized how bitter-looking she was. And that was true because she was so bitter; she thought she could taste it on her mouth.
Inayos ni Whitney ang sarili pagkatapos ay lumabas siya nang rest room. Saktong palabas din si Oman ng rest room ng lalaki. Parang huminto na naman ang mundo nilang dalawa, nang mapatitig sila sa isa't-isa. Walang naghiwalay ng tingin, na para bang labag iyon sa batas.
Si Whitney ang unang nag-iwas ng tingin, at akmang lalagpasan na ang lalaki nang bigla siyang pigilan nito. Napapikit siya, dahil nagtitimpi na lang siya na yakapin ito. And now that she could smell him, he was melting her defenses.
BINABASA MO ANG
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)
RomanceIsang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!