Ang Baklang Importante sa Lalaki

3.1K 45 0
                                    


NANG dumating ang weekend ay hindi alam ni Whitney ang gagawin. Sasama pa ba siya sa lakad nila ni Oman? Hahayaan ba niyang i-execute nito ang Plan A?

Pero ano ang dahilan ni Whitney para umayaw? Oman was just trying to help her. Wala namang malisya ang paglabas-labas nila.

Inisip din niya kung dapat bang sabihin niya kay Obeng ang lakad nila ni Oman. Pero ngayong nasasaktan ito, baka kung ano pa ang isipin nito sa kanilang dalawa. Sa huli ay nagdesisyon siyang wala na lang sabihin.

Nalilito man ay naligo na rin si Whitney at nagbihis. Susunduin siya ni Oman. Pagdating nito, doon na lang siguro niya iisipin kung tutuloy ba siya o hindi.

Ilang minuto lang ay narinig niyang may kumatok na sa pinto. Binuksan niya iyon. And there was Oman, wearing a stripes polo and jeans. He smelled so good and he was carrying a smile that could melt the coldest heart.

"Ready ka na?" he said, eyes twinkling.

And Whitney made a decision. "Yes."

ANG UNA NILANG pinuntahan ay sinehan, para manood ng horror movie. Mahilig si Whitney sa horror movie noon pa mang bata siya kaya na-desensitize na siguro siya at hindi natatakot. Habang naglalabasan na ang mga ngalangala ng mga babae sa sinehan sa kakatili, naghihikab lang siya.

Mukha naming na-frustrate si Oman dahil doon. "Teka, bakit ganyan ka?"

"Ano?"

"Dinukot no'ng zombie iyong mata ng babae, hindi ka man lang kumurap," sabi nito.

"What am I supposed to do? Himatayin?"

"No," he said. "You know what men like? 'Yong magmukhang knight in shining armor. Kaya natutuwa sila sa mga babaeng yumayakap sa kanila kapag nanonood ng horror film."

Umiling si Whitney. "That didn't made any sense," she said.

"It's a guy's psychology. Sometimes it doesn't really make sense."

"Eh, ano'ng gagawin ko, hindi naman ako takot?" sabi niya. Hindi naman talaga. Alangan naming magpanggap siya? Mukha naman siyang tanga no'n.

"Kahit naman pakitang-tao lang matakot ka," sabi nito.

Natawa si Whitney doon.

"Kasi maniwala ka, effective. Kapag may lalaki kang nakasama sa sinehan, tapos niyakap mo siya dahil sa takot, matutuwa pa 'yon, I swear."

"Yakap?" she said. "Parang ganito?"

Niyakap ni Whitney si Oman, bahagi sana ng pang-aasar niya. Hindi niya na-anticipate na bibilis ng sobra ang tibok ng puso niya. Naramdaman kasi niya ang init ng katawan nito, lalo pa niyang nalanghap ang pabango nito.

Napansin din ni Whitney bahagyang na-tense ang katawan ni Oman sa ginawa niya. Napansin niyang mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib nito, na para bang humuhugot ito ng malalim na hininga. Nawala sa movie screen ang tingin niya, napako sa mukha ni Oman. Tanglaw ang liwanag mula sa screen ay kitang-kita niyang titig na titig ito sa kanya.

Napalunok si Whitney. Nang binalak niyang kumalas ay naramdaman niya ang kamay ni Oman sa likod niya, itinulak siya nito palapit dito, na parang hindi nito nagustuhan ang balak niyang paglayo.

"Let's stay like this for a while," he said, and his voice seemed to be coming out of his nose. That made Whitney shudder. "I like us being like this."

Whitney had a passing thought that she liked them being like that, too.

No. No. Why am I feeling this? Siya ang dahilan kaya wala akong pag-asa kay Obeng 'di ba? This is just insane.

Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon