Kailan

68 9 0
                                    

Kailan ba titila ang ulan?
Kailan ba matutuyo ang mga damuhan?
Kailan ba masisinagan ng araw?
Kailan ba titigil ang mga palahaw?

Mga matang patuloy na lumuluha.
Kailan ba matatalikuran ang nakaraan?
Sakit at pighati na nakatanim sa isipan,
Kailan nga ba mapapawi?

Ikaw at ako, laban sa mundo.
Pero bakit mag-isa na lang ako?
Sa isang laban na walang kasiguraduhan,
Na iyo nang sinukuan.

Titila rin ang ulan.
Mahahanap din ang tamang daan.
Kung saan nag-iisa na lang.
Baon ang iyong matatamis na alaala mula sa nakaraan.

Fireflies (Poems made by heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon