Posible pala na mawalan ka ng pakiramdam?
Posible pala na mawalan ka ng pakielam?
Posible pala na maging manhid ka sa lahat ng bagay?
Posible pala na manahimik ang pusong maingay?Ang dating ngiti ay nabura.
Ang masayang halakhak ay nawala.
Ang respeto sa iba ay naglaho;
At ngayon ay puno nang panibugho.Napalitan na rin ang depinasyon ng pagmamahal,
At kasabay nito ang yakap na puno ng pagpapanggap.
Ang malambing na tinig ay hindi na matagpuan,
Pati na rin ang paghinga ay hindi na alam.Posible pala 'yon?
Na maging masaya kahit hindi naman,
Tumawa kahit nahihirapan.
Ang maging tama kahit puno na ng kamalian.Posible pala.
Dahil sa tuwing tumitingin ako sa salamin;
Isang babae ang umiiyak dahil hindi niya maamin,
Na hindi na niya makilala ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Fireflies (Poems made by heart)
PoetrySometimes, words are the only way to describe the wilderness of hearts.