Hindi Na

37 6 0
                                    

Hindi na 'ko aasa na mapansin mo.
Hindi na 'ko magbabaka-sakali na mahalin mo.
Hindi na 'ko tataya sa laban na ikasisira ko.
Hindi na 'ko iiyak para sa 'yo.

Hindi na 'ko aasa na baka may ikaw at ako.
Hindi na 'ko pupuslit, makita lamang ang ngiti mo.
Hindi na 'ko ngingiti kapag narinig ko ang boses mo.

Hindi na 'ko susulyap sa mukha mo.

Hindi na 'ko iiyak kapag may kasama kang iba.
Hindi na 'ko masasaktan kasi hindi ako siya.
Hindi na 'ko magkukunwari na ayos lang ako.

Hindi na 'ko patuloy na magmamahal sa 'yo.

Pero masaya ako na naging parte ka ng buhay ko.
Habang buhay kong babaunin ang mga hiram nating sandali,
Dahil sa oras na 'to,

Tatapusin ko na ang kuwento na hindi pa nabubuo.

Fireflies (Poems made by heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon