Ang pinakamahirap hanapin,
ay ang pagmamahal,
na hindi kumakatok,
at kusang pumapasok.Ang pinakamahirap na pakawalan,
ay ang pagmamahal,
na hindi nagpapaalam,
at kusang bumibitaw.At sa pagpasok muli,
ng panibagong pagmamahal,
hindi na alam,
kung kaya pang sumugal,Dahil ang puso ay palaging nag-aabang,
sa muling pagbabalik
ng unang pagmamahal,
na hindi man lang kumapit.Dahil ang pinakamasarap,
ay ang pagmamahal,
na nanatili,
sa kabila ng sakit.Ngunit ano ang pagmamahal,
kundi panibagong dalahin,
para sa pusong takot nang magpapasok,
para sa pagmamahal na katok nang katok.
BINABASA MO ANG
Fireflies (Poems made by heart)
PoetrySometimes, words are the only way to describe the wilderness of hearts.