(Dedicated kay ate Jen 😭❤ Thank you for inspiring me again)
Yakapin mo ako,
Sa huling sandali.
Na ang ating mga puso ay sabay pang umaawit.
Sa iisang ritmo ng pag-ibig.Yakapin mo ako,
Sa isang pang beses.
Hanggang sa maghilom ang mga sugat,
Na dulot ng ating pagmamahalan.Yakapin mo ako,
Kasi baka puwede pang ipagpilitan ang pagmamahalan nating dalawa.
Baka puwedeng pang sumubok,
Kahit wala na tayong dapat pang ipagpatuloyYakapin mo ako,
Hanggang sa hindi na ako makahinga.
At kusa na kitang bitawan,
Dahil patuloy lang natin winawasak ang ating pagsasamahan.Yakapin mo ako at yayakapin kita,
Dahil ito ang huling sandali na tayo ay magkapiling.
Dahil itong yakap natin sa isa't-isa,
Ang mismong sumasakal sa ating dalawa.
BINABASA MO ANG
Fireflies (Poems made by heart)
PoetrySometimes, words are the only way to describe the wilderness of hearts.