Isang Gabi

12 2 0
                                    

Isang gabi, kinausap kita,
nagbabaka-sakaling sasagot ka.
Dahil alam ko namang palagi kang nakikinig,
at gamit ang malamyos mong tinig,
handa akong makinig.
At sa gabing ‘yon,
yakap-yakap ko ang unan ng pagtataka,
at kumot ng ilang katanungan.
Mga tanong na matagal nang gustong kumawala sa aking isipan.

At sa gabing 'yong,
tinanong ko sa ‘yo kung bakit ang mga kabataan ay parang nawawala,
sa tamang daan na gusto mong ipatahak.
Kung bakit ang nasa isip na lang nila ay, magwalwal,
magmahal,
magsugal,
magwalwal,
magmahal,
magsugal,
magwalwal,
magmahal,
magsugal.
Magwalwal at huwag nang mag-aral.
Magmahal nang wala pa sa tamang oras at ibigay ang lahat,
dahil iyon ang gusto ni mahal.
Magsugal at itaya ang pera kahit wala ng pagkain sa bahay
At magutom man si Nanay.
At sumabay sa uso,
Kasi iyon daw ang sinisigaw ng mundo,
kaya dapat itong sundin para makasabay ka sa agos ng buhay ng tao.

At hindi ko malilimutan ang gabing ‘yon.
Kasi no'ng gabing 'yon,
sinabayan mo ang aking paghinga,
Ang bumuntong hininga ka ng mga kasagutan.
At kahit sobrang gulo ng mundo,
at hindi magkamayaw ang ingay nito,
pinakinggan kita,
pinakinggan ko ang sagot,

Sinabi mo na,
Anak, itong mga kabataang ito,
ay hindi mababaw na tao.
Na sila ay aking niligtas,
kasi sila ay kagilas-gilas,
at karapat-dapat.

Na hindi sila puro walwal kasi kaya nilang mag-aral,
at umakyat sa entablado,
upang magtapos ng kanilang kurso.
At kaya nilang maghintay para sa tunay na pagmamahal,
dahil ang tunay na si mahal ay nakakapaghintay.

At sumugal sa hamon ng buhay,
hindi sa kara krus do'n sa bayan.

At no'ng gabing 'yon,
binulong mo sa akin.
Na ang mga kabataang ito,
ay hindi dapat maliitin ng mundo.
Dahil walang lalaki,
babae,
bata,
o matanda,
para sa 'yo.
Dahil lahat ng ito ay iisa,
at natatanging anak mo.
Natatanging anak ni Hesus Kristo.

Fireflies (Poems made by heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon