Huli na ba ang lahat?
Para sa damdaming naiwan?
Huli na ba ang lahat?
Para sa pusong patuloy na umiiyak?Huli na ba ang lahat?
Para sa pag-ibig na nasayang?
Paalam na,
Hindi ko kayang sabihin.Paalam na,
Ayoko sanang gawin.
Paalam na,
Pero puwede pa bang humingi ng ilang segundo?Pero sa dulo ng tanong,
Sa dulo ng mga salita na hindi maibukod.
Maaari kayang ibalik?
Maaari pa bang pagbigyan?Maaari pa bang hawakan ang iyong kamay?
At sumabay sa huli nating sayaw?
Tulad ng ilog na hindi natatapos sa pag-agos,
Pag-ibig ay hindi basta-bastang matatapos.Pilit nitong hahabulin ang oras.
Kung saan ikaw, ako, tayo, ang magkatabi.
Sa ilalim ng maliwanag na gabi.
At kasabay ng duyan ng pag-ibig.Paalam na,
Huli na talaga ito, pangako.
At kung hindi na maibabalik ang dati,
At kung hindi na kayang ibalik ang dating ngiti.Luluwagan ko na talaga ang kapit.
Sa mga alaala.
Sa pag-ibig nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Fireflies (Poems made by heart)
PoetrySometimes, words are the only way to describe the wilderness of hearts.