Pag-ibig

20 4 1
                                    

Minsan, muli akong napadpad sa nakaraan.
Kung saan nakatago ang malulungkot na karanasan.
Muli kong pinakinggan ang awit ng pag-ibig.
Ang tono ng pag-ibig na minsan ay hindi pinakinggan.

Sa oras na 'yon, muli kong naalala kung paano naging madilim ang langit.
Kung paano bumuhos ang pait.
Kung paano ako umiyak dahil hindi ko alam kung kanino lalapit.
Sa oras na 'yon, naging bingi ang lahat.

Hanggang sa may isang lalaki ang lumapit,
At nagsimulang umawit.
Hindi ito isang awit na nakakakilig,
Dahil isang itong awit ng pag-ibig.

Lumapit siya at pinunasan ang luha na likha ng mundo.
Lumapit siya at sinabing "Anak andito ako."
Lumapit siya at inako ang kasalanan ko.
Lumapit siya at muling pinasan ang pait ng buhay ko.

Tinulak ko siya palayo,
Ngunit hinila niya ako patayo.
Sa kabila ng lahat,
Hindi niya pinaramdam na ang pag-ibig niya at salat.

Kaya kahit na patuloy na nasasaktan,
Pilit ko siyang pinakinggan sa gitna ng ingay ng gabi.
At kahit sobrang hina ng kanyang tinig,
Naramdaman ko ang kanyang pag-ibig.

Ang pag-ibig na nagligtas sa mga tao.
Ang pag-ibig na hindi matutumbasan kahit na sino.
Ang pag-ibig na sa tao ay inalay.
Ang pag-ibig na tanging Panginoon lang ang nagtataglay.

Fireflies (Poems made by heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon