Saranggola Sa Ilalim Ng Ulap

27 4 0
                                    

Mga pisi ang katulong sa paglikha
Ng saranggola nating dalawa
Ngunit ngayon na ito'y tapos na
Bakit bigla kang nawala?

Patuloy kitang hinihintay
Kahit na parang wala itong saysay
Palaging dala ang saranggola
Na ipinangako mong papaliparin nating dalawa

Ngunit tila'y nakalimutan mo na
Ang pangako natin sa isa't-isa
Dahil hindi ka na muling bumalik
Kaya naman sa ulap ako'y humalik

Hanggang sa ang saranggola ay unti-unting umaangat
Ngunit wala pa ring pamagat
Ang libro na binuo para makalimot
Katulad ng saranggola na hindi na maabot

Malaya nang tinatangay ng hangin ang saranggola
Kasabay ng mga alaala nating dalawa
At sa aking pagbitaw sa pisi na aking hawak
Bibitawan ko na rin ang kaisipang 'baka bumalik ka pa

Fireflies (Poems made by heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon