Isang palihim na sulyap,
Nakatitig,
Nangangarap.
Umaasang kayang idaan sa tingin,
Ang pag-ibig na hindi maisatinig.Palihim na tumititig.
Nagbabaka-sakaling maidaan sa tingin,
Ang boses ng pag-ibig,
Ang lambing na hindi maitawid,
At ang yakap na hindi maihatid.Idadaan lahat sa sulyap,
Dahil walang lakas na loob,
Ang naduduwag na damdamin.
Ang pag-ibig na wala sa timing.
At ang boses na paos sa tinig.Isang palihim na sulyap,
Para sa labis na pagmamahal.
Ng pusong bingi sa katotohanan.
Na walang ikaw at ako.
Sa istoryang binuo.
BINABASA MO ANG
Fireflies (Poems made by heart)
PoetrySometimes, words are the only way to describe the wilderness of hearts.