Prologue

1.4K 65 51
                                    

"Bitawan mo 'ko, Liam." Nanghihinang tinabig ko ang kamay niya nang hindi ko pa din tinitingnan ang pares ng mga mata niya.

"Stay, please Gianne. Ikaw lang ang gusto ko." Humarang siya sa harap ko at biglang hinapit niya ang bewang ko ng mahigpit.

"Aalis na ako... ano ba Liam!" Nagpupumiglas ako para makawala sa kaniya ngunit mas hinihigpitan niya ito lalo. Mas lalo din akong nahihirapan at nanghihina na.

Naramdaman kong nag-init ang dalawang sulok ng mga mata ko nang marinig ko ang pag-singhot niya.

"I-it is because of that g-guy? why Gee" Mas nanghina ako nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Biglang kumirot ang kaninang masakit lang na damdamin ko...doble doble. Bumigay na din ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Alam ko..hindi pa 'din ako. Sapat na rason na 'din siguro iyon para lumayo.. Dahil alam ko sa'ming dalawa mas makakabuti 'tong desisyon ko.

"Liam, ano ba! tigilan mo na ako, tumigil kana." Pikit mata kong bulalas "Itigil na natin 'to" Pagkasabi ko ng mga 'yon nagulat ako nang humiwalay siya at biglang isinandal niya ako sa pader at ang kaniyang parehas na mga mata'y ngayong lumuluha. Gusto ko itong punasan gaya ginagawa ko pero gusto kong ipakita na hindi na ako tulad ng dati.

Rinig ko ang pag-ngisi niya "I can't imagine you're doing this," hindi makapaniwalang sabi niya, so do i, Liam.

"What have i done? what's with him? Gianne, i can give you ANYTHING and EVERYTHING love, I love you. Please, don't do this. Hindi ko kaya."

Seryosong sinalubong ko ang malumanay niyang mga mata.

"KAYANG KAYA NIYANG IBIGAY ANG HINDI MO KAYANG IBIGAY." Madiing bigkas ko, ngunit na-realize ko kung ano ang nasabi ko.

Napaiwas ako ng tingin ng makita kong ngumiti siya ng mapakla at napailing, nasaktan ako sa nasabi ko sa kaniya, hindi ko sinasadya. Ang makitang unti-unti siyang mas nasasaktan ay sobra sobrang pagwasak ng puso ko. Hindi ko siya kayang tignan, pero nandito na...at kailangang matapos na.

"Kung akala mo noon minahal kita..pwes Liam, h-hindi. Ni kailan hindi kita minahal, never. Y-you're too good for me." Tinitigan ko siya ng ilang segundo ngunit mabilis ko ding inalis ang mga mata ko. Itinulak ko siya at dali-daling naglakad na papunta sa pintuan paalis ng office niya, yes office niya.

Pagkatalikod ko sa kaniya ay masaganang umalpas na ang luhang kanina ko pa gustong ilabas ng tuluyan.

Nang mapihit ko na ang seradura ay nagulat ako ng bigla niyang hinablot ang braso ko. Sinalubong ko ang kaniyang mata at mukha na ikinakaba ko, iba ang ekspresiyon niya kumpara kanina. Puno ng lungkot at hinanakit at ang mas matindi pa'y ngayon ko lang nakita siyang ganito.

"YOU'RE.GONNA.STAY.HERE" isinandal niya 'ko sa pader at naluluhang tinitignan siya sa mga mata.

Kinabig niya ko sa batok at hinalikan sa labi. Jusko! hindi ko siya kaya, tinutulak ko siya ngunit anong laban ng maliliit kong braso sa kaniya.

Naputol ang halik at bigla niya akong binuhat at marahas na inilagay sa ibabaw ng desk niya, malakas na tinapon niya ang mga bagay na nakaharang. Nagulat pa 'ko nang muntik niya nang mapunit ang mga papeles na nasa ibabaw at buti na lang inagaw ko ito tsaka buong pwersa kong tinulak siya.

Escaping The Erotic BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon