I dedicate this chapter to Icyszy awiiiie! Sana magustuhan mo ang chapter na 'to!
*********
"Sigurado ka diyan?"
"Pangit ba?"
Ngumiwi ang dalagang si Gianne.
Hindi na pinansin ng binatang si liam ang iritang naka-upong dalaga at napa-ngiti na lamang ito.
Hinablot ng dalaga ang magazine at inis na binuklat ang pahina tsaka prenteng umupo.
"How about this one?" at inangat ang iba't ibang klase ng neck tie.
Kabado ang kamay niya na ikina-tawa ng saleslady sa tabi niya. Napa-irap ang dalaga.
"Leave us for a while." malamig na utos niya sa saleslady.
"Come on! what do you think looks better?" pilit niya at tinignan ang replika sa salamin.
"Lahat." sagot ng dalaga at tumikhim.
"Tch!" inis na bulalas ni liam at patuloy sa pagpili ng susuotin niya para sa piyesta.
Hindi maiwasan ni gianne ang mapa-ngiti sa binatang kaharap niya. Bakit ba kasi siya ang isinama nito para bumili ng susuotin para sa piyesta, isip niya. Naiinis siya dahil sa lalaking wala kanina pang walang napipiling masusuot at mas lalo siyang naiinis dahil halos lahat ng damit ay bagay sa binata. Gaganapin ang magarbong Grand opening ng piyesta mamayang gabi halos lahat ng tao ay naghahanda para dito. Siya lang ata ang hindi excited.
"If only I can bring geanna."
Napatigil sa paglipat ng pahina ang dalaga. Padabog na inilapag niya ang magazine sa gilid at tumayo. Pinag-krus niya ang mga kamay at itinaas ang kanang kilay at lumapit sa binata.
Inayos nito ang kuwelyo at hinablot sa kamay ang kulay pulang neck tie. Isinuot niya ito sa binata at muling nagsalita.
"IF only she can walk." Matabang na sambit niya.
Kumunot ang binata. Napansin niyang iba ang awra ng dalaga.
"Ofcourse she can...soon--aww!" hinawakan niya ang leeg.
Pinagpagan ng dalaga ang balikat nito.
"Perfect!"
Inis na tinapunan ng tingin ng binata ito tsaka tinignan ang sarili sa salamin. "Not bad." at tumango-tango, medyo niluwagan niya ang neck tie.
"Psh!" umirap uli ang dalaga at tumalikod.
Hingal na hingal ang binata kakahabol kay gianne na kumakain ng Ice cream. Nasa parking lot na sila at naisipang umuwi na dahil wala namang magandang nangyayari sa kanila kapag magtatagal pa sila, puro sila bangayan sa loob ng mall kanina.
"Why are you being like that?"
"What?"
"Are you mad at me?" tanong ni liam at hindi ito pinansin ng dalaga hanggang sa makasakay sila.
Pasulyap sulyap si liam kay gianne na nagcecellphone. Tahimik pa 'din ito.
"What did I do?" Muling tanong ni liam, umiling ang dalaga.
Hindi niya napigilan ang malamig na asta ni gianne sa kaniya. Tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway at hinarap niya ito.
"You're mad." Kinuha niya ang palad nito at pinaharap sa kaniya. "You are not even telling me what did I do."
![](https://img.wattpad.com/cover/149603342-288-k146567.jpg)
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Romance(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...