Six years later...
"Isunod mo yung blush 'yung kabuki brush ang gamitin mo,"
"Eh? Miss, hindi ba pwedeng highlight na muna ang ilagay?--
"Hindi pwede! You need to do the basic first. Hindi babagay sa model ang simpleng make up tapos dadagdagan mo ng highlight? You should do the blush on using kabuki," because that's my favorite brush.
"S-sige po miss, uulitin ko po." Tumungo siya at nilapitan ang model.
"No, okay na 'yan for today. Just make sure next time listen to your director." Naka-ngiting ani ko sa kaniya, i don't wanna make her feel nervous.
Naka-hinga naman siya ng malalim. Dahil ramdam ko ang kaba sa kaniya, alam kong gusto niya lang ibigay ang pinaka-'best' niya. Ofcourse as a director and supervisor, i'll make sure they do it clean and neat because it's their responsibility as a make up artist. I didn't intend to get mad at them or shout, hindi ko naman sinasadya it was just part of my job.
"Alam ko, you did your great work this past few days. So, i'll give you a break." Masayang anunsiyo ko sa lahat.
Nagsiligpit ang lahat, chineck ko ang relo ko at mag a-alas sais na, pero isang member ang nakakuha ng pansin ko.
"Abby?" She looks worry. Nagtaka ako, alas sinco pa lang ay palagi na siyang umuuwi.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik sa balikat "Hey, Abby." Bungad ko. Hindi pa siya nagi-impake. "What's wrong?"
"A-ahm Miss." medyo gulat siya "M-miss, n-nag-aalinlangan po kasi ako."
Kumunot ako "Saan? Puwede ba nating pag-usapan ngayon?"
"Miss Song," ipinagsaklob niya ang kaniyang palad at tumungo. "K-kung puwede po sanang--magba-backout po ako sa pagmo-model" sa tinig ng kaniyang boses, sinseridad ang matutunogan. Pero bakit?
"Meron ba akong hindi alam? Dahil walong buwan kanang nagti-training ngayon ka pa ba magba-backout?" Sabi ko "Pero paano ang Mama at kapatid mo? kung sakaling aalis ka, alam ba nila? Gusto ba nila?"nag-aalala ako sa kaniya.
Bigla siyang napayuko at kita kong naestatwa siyang nakatitig sa sahig, parang mali ata ang nasabi ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang biglang naglandasan ang mga luha sa mga mata niya. Nagulat ako kaya mabilis ko siyang nilapitan, "I--I'm sorry Abby." at hinagkan siya, hindi ko alam dahil 'yun ang lumabas sa bibig ko. Maybe nahihirapan siya pero hindi ko alam kung saan.
I never seen her like these. I met Abby Last year, so cheerful and determined woman. Maybe a family matter?
"I'm sorry Abby, you can talk to me whenever you want." at hinagod ang likod niya.
Maya-maya'y unti-unti na siyang tumatahan. Humiwalay ako at pinunasan niya naman agad ang luha niya, i chuckled "Cry baby ka pala" and smiled at tinap ang ulo niya.
Tumawa naman siya at tinungo ako, "Hindi mo naman po kailangang humingi ng sorry Miss song...sorry," sincere na sabi niya. Hindi ko naman alam kung para saan dahil hindi ko din alam kung paano aalamin ang problema niya dahil wala naman akong karapatan na pilitin siya "and thank you.""Don't be sorry, Nandito lang ako. Approach me anytime. Kung ano man 'yang problema mo, I'm a shoulder to lean on kaya tahan na." at nginitian uli siya.
Pero naisip ko uli ang balak niyang pag-alis, tulad ng sabi ko ay determinadong babae si Abby, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong unang pagkikita namin kahit pa mas ahead ako ng tatlong taon. Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako at bigla akong nagulat sa sinabi niya, para bang nanlamig ako sa sinabi niya, unti unting kumakabog ang dibdib ko at nanlalambot ang tuhod ko.
Parang may kung anong malakas at matinis na tinig ang naririnig ko at unti-unti'y bigla na lang umikot ang paligid.
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Romance(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...