GIANNE's POV
"A-argh!" daing ko ng maramdaman ko ang pag-sakit ng ulo.
Ramdam ko ang paglubog ng katawan ko sa malambot na higaan at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, ngunit madilim, wala akong makita.
Naalala ko ang nangyari kahapon at napabalikwas ako dahil doon. Muli kong ginala ang mga mata ko at nagbabaka-sakaling makakita ng liwanag kahit konti man lang ngunit wala.
Hindi ito ang condo, dahil sa amoy pa lang. Sobrang tapang nito, manly scent.
Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya, nahilo ako at napakapit sa bed sheet. Hinawakan ko ulit ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.
Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Don't you ever try to get up when you know it hurts."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang bumalot ang takot sa sistema ko. Mabilis na lumingon lingon ako sa paligid kahit wala naman akong makita.
"N-nasaan ako?" kahit masakit at natatakot ay sinubukan ko pa 'din tumayo.
Muli ay naalala ko ang anak ko, "Nasaan ang anak ko?" muli kong tanong, hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kung saan niya ako dinala.
Bigla akong naalarma nang marinig ang paglakad niya at naramdaman ko ang isang lamesang nakapa ko at sumiksik dito.
Dinig ko ang mga yabag ng paa niyang papalapit sa akin, pinipilit kong isiksik ang katawan ko at pumikit, kinikilabutan ako.
Wala na akong ibang maramdaman kundi ang takot na bumabalot sa akin.
"Anak natin." sambit niya
"Hindi mo siya anak!" Singhal ko.
"Really?"
Biglang dumapo ang kamay niya sa braso ko, I can feel his warm hands na ikina-taas ng balahibo ko. Sa pagkakataong ito ay gusto kong makaalis dito.
Iniwas ko ang kamay ko na ikina-tawa niya. Hindi ko makita ang ekspresiyon niya. Naglakbay ang palad niya sa braso ko pataas sa leeg at papunta sa mukha ko.
Amoy ko ang malakas na pabango galing sa kaniya.
Iniwas ko ang mukha ko sa ginagawa niya, pero hinapit niya ang bewang ko at napa-tili ako. Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa tenga ko.
"B-bitawan mo 'ko" at pilit nagpupumiglas ngunit hindi ko kaya ang katawan niya.
"I miss you." Sabi niya at tila ba nagtaasan ang balahibo ko sa mga salitang iyon. Inis na hinawakan ko ang kamay niya at pilit tinatanggal.
Ano bang pinagsasabi niya?! Miss?! Ako ba talaga?
"ANO BA!" Sigaw ko ngunit ayaw niya talaga akong pakawalan.
"STOP" Ma-awtoridad na utos niya. Napatigil ako sandali at napalunok, pinipilit at hanggang sa pinipilit ko pa 'din tanggalin ito, hindi ko siya pinapakinggan.
Wala akong pakealam sa gagawin niya o sa kaya niyang gawin sa akin. Saktan niya ako kung gusto niya dahil nagawa naman na niya noon pa.
"Ibigay mo na sa akin si ganna!" at pinagsusuntok ang dibdib niya. Alam kong malaki ang ipinagbago ng katawan niya, para lang siguro akong stick ngayon, walang kalaban-laban.
"Please..." humina ang boses ko gayun 'din ang pagsuntok ko,
Kumawala ang kanina pang pinipigilan na luha, isa pa 'to! napaka-traydor!
Naramdaman ko ang pagluwag ng braso niya, nakahinga ako ng maluwag at hingal na sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay at dahan dahang napa-upo sa kama.
Nagsisisi ako, sarili ko ang dapat sisihin kung bakit nandito ako at nawala si ganna. Dapat mas naging ma-ingat ako, dapat inisip ko 'yon.
Pero akala ko doon nagtatapos,
Mahigpit na hinawakan niya ang braso ko at bumabaon ang kuko niya dito.
"LIAM ANO BA!" Anas ko, hindi ko alam kung anong balak niyang gawin, natatakot ako sa ginagawa niya!
"I SAID STOP!" sigaw niya at hinagis niya ako sa lamesa.
Tumama ang balakang ko sa sharp edge ng lamesa, i-ito 'yon. Ito yung masakit.
Then I felt his arm wrapped my waist, pinisil niya ito na ikina-daing ko lalo. Hindi ko kaya ang sakit na ginagawa niya pero nagulat ako ng todo ang pag-pisil niya dito dahilan para tadyakan ko siya ngunit hindi tumama.
"Painful? Hmm?" mapaglaro at may halong pang-aasar na sabi niya. Wala akong lakas at ang kaya ko lang gawin ay ang paglandas ng luha hindi dahil sa ginagawa niya.
Kundi dahil sa kaya niyang gawin. Iba ang kaharap ko, hindi ito yung taong dating minahal ko. Hindi siya ang mahal ko.
Hindi si liam ito. Ibang iba.
M-monster.
"N-nasasaktan ako, l-liam" Sabi ko, akala ko ay bibitawan niya ako pero isang ngisi lang ang narinig ko.
"I know." Malamig na sagot niya.
"P-please." Kahit mag-mukha akong kawawa, gusto kong itigil niya na ito.
"A-ano bang gusto mo?"
He grab my hair. Sumigaw ako sa sakit dahil hindi pa gumagaling ang sakit ng ulo ko ay nagawa niya iyon.
"Li-liam na s-saktan ako!" pagmamaka-awa ko.
"Is it my fault?"
Sa unang pagkakataon muli, ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ang liam na nakilala ko noon ang kaharap ko. His anger made him more triggered, ramdam ko.
Da-dahil ba sa'kin? Dahil saan? Bakit ako?
"Demonyo ka" bulong ko sa kaniya.
Wala akong pakialam sa kung anong mararamdaman niya. Dahil....wala naman siyang pakialam sa akin. Ngumiti ako ng mapait.
Wala siyang pakialam sa akin.
Inilapag niya ako sa kama, agad na gumapang ako palayo at sumiksik sa headboard. Nanginginig ang buong katawan ko.
Nakita ko ang pagbukas ng pinto, and all I can see is his back and his shadow walking away at sumara ito.
Huminga ako ng napakalalim. Niyakap ko ang sarili at hinayaan kong mag-alpasan ang bawat luha. Inangat ko ang tingin sa taas, I want to get out.
Kahit hindi ko makalimutan ang nangyari lang kanina ay pinilit ko pa 'ding tumayo.
"Ganna."
Tumayo ako at kinapa ang bawat mahahawakan ko at kinapa ko ang pinto. Ginapang ko ang kamay sa pader kung may switch ng ilaw.
Nabuhayan naman ako ng makapa ito at sinindi. Nasilaw ako at pilit inaaninagan ang paligid.
Nang luminaw ang vision ko ay nilibot ko ito, napa-atras ako at gulat na tinakpan ang bibig gamit ang palad, hindi matigil ang luha ko sa pag-unahan.
"How—how can he do this?" at nilibot paikot ang kwarto na puno ng mga LITRATO KO noon!
Nakadikit ito sa pader at umiling ako sa mga nakikita ko.
Mas hindi ako makapaniwalang napa-iling sa kama , mula sa bedsheet, punda ng unan ay lahat ito ay nandoon ang larawan kong prinint.
Pero mas napakapit ako sa seradura ng pinto sa nakitang dugo.
May bahid ng dugo ang mga pader, nanginginig na nilapitan ko ang mga ito at para akong mahihimatay sa nababasa ko. Nakaukit ditto ang mga salitang,
'Gianne Mordiganna Song'
'I Love You'
'You're mine'
'I will kill you'
at iba pa! jusko! Hindi ko mabatid kung bakit niya ginagawa ito.
Hindi ko na kaya at tumakbo palabas ng pinto, nang pihitin ko ito at buksan ay tumambad sa akin ang isang lalaking matipuno.
Tinignan ko ito at nagtama ang mga mata namin! Ngayon ko lang nakita ang mukha niya.
He have big under circles in his eyes at nangingitim iyon! Sobrang gulo 'din ng buhok nito .He's looking at he at sobrang sama ng mga titig niya, para siyang isang killer sa inaasta niya.
Nginitian niya ako at tumunog ang isang bagay, tinignan ko ang hawak niya at isa itong kadena!
"Trying to escape me?" at mala-demonyong ngumiti!
"Give me my daughter, akala ko ba ibibigay mo ang anak ko. I even go to that fucking company of yours! Pero wala ka!" matapang na sagot ko sa kaniya.
Napansin kong biglang nag-iba ang ekspresiyon niya, lumambot ito at bigla akong niyakap na ikina-gulat ko.
"Husssh~ it's okay love~" parang batang pagpapatahan niya sa akin. Naguluhan ako sa inaasta niya.
Tinulak ko siya palayo at hinugasan ang mukha ko gamit ang palad tsaka siya tinignan ng masama na ngayon ay magka-salubong ang kilay. Unti unti ay lumalalim ang pag-hinga niya.
"Bayaan mo na 'ko, pakawalan mo na ako---
Hinigit niya ang kamay ko at hinagis sa kama, madilim ang mga mata niya at inangat ang kadenang hawak niya. Lumapit siya sa akin ngunit tumakbo ako sa sulok, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Iba ang timpla niya,
"COME HERE!"
Hindi ko siya pinakinggan at para akong batang mabilis ang alarma sa kung ano ang susunod na gagawin niya. Nakakatakot siya...SOBRA.
Malayong malayo sa nakilala kong liam ang ngayong kaharap ko.
Papalapit siya ng papalapit sa akin pero palayo naman ako ng palayo at nagsusumiksik sa pader. Pinulupot niya ang kadena sa kamay niya.
Nakita kong maluwag ang espasiyo sa daanan kung nasaan yung pinto na nakabukas.Tinignan niya naman ang tinitignan ko kayamabilis siyang humarang na ikina-hina ng katawan ko dahil iyon lang ang pag-asa ko. I don't know what to dowhen suddenly I felt his arms wrapping me.
"LIAM! ANONG GINAGAWA MO?!"
Hiniga niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin. Pilit akong nanlalaban at pinulupot niya ang kadena sa mga kamay ko.
"Don't you ever try to escape me."
Hindi ko alam ang nangyayari, naguguluhan ako. When I realize that I'm caughton guard by this demon infront.
"Pa-pakawalan mo na ako." Tumulo angluha ko sa kaliwang mata, and he's top on me trying to chained me. Hindi ko siya maintindihan.
"Our daughter is in good hands, verygood hands." At ngumisi.
"Na-nasaan siya?! Please gusto ko siyang Makita!" Garalgal na ang boses ko.
Bigla naman siyang ngumiti ng pagkatamis sa akin.
"Sure! Anytime." at hinalikan ako sa noo, nagningning ang mata ko sa sinabiniya.
"T-talaga?" hindi makapaniwalangtanong ko.
"That's when you stay with me...forever." Malamig na sambit niya at umalis.
I was left dumb founded, at muling nabuhay ang sama ng loob sa kaniya.Naghaharumentado ang puso ko.**************
Mga ka-GG! Huwag ninyo kalilimutang mag-Vote, Comment, Support and share this story to others! ❤️
Please support my story 'til the end and stay tune of my updates, Thank You! ❤️
BINABASA MO ANG
Escaping The Erotic Billionaire
Romantizm(R-18) "Kung kailan malapit nang maayos at bumabalik sa dati ang lahat, kung kailan masaya na ako, kung kailan gusto ko nang maging tahimik ang dating magulo kong mundo at kung kailan makakamit ko na ang kapayapaan sa buhay ko at maibabaon ang sakit...